03-24-25
• • •
messenger
[ Pao Alcantara ]
active nowtoday at 4:32 PM
Pao
Hello, Lia. Sorry. Pakisabi sa iba nating kagroup lalo na kay Herinne. Si ate yung nagpalagay non. Sabi niya kasi mas maganda raw kung may ganon. Akala ko sa kanya yon kasi ganito rin ang tinapos niya pero hindi ko alam na kinuha niya pala sa internet. Ganon na ganon mismo, kaya sinabi ni Sir na plagiarism. Sorry. Sorry talaga. Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya. Dapat pala chineck ko nalang din muna. Sorry.today at 5:36 PM
Lianna
slr, nagpakalma ako kasi baka kung ano pa ang masabi kong masama sayo. salamat kasi nagsabi ka sa amin pero sana hindi mo nalang pinakealaman. ayos na yon eh. sana nagtiwala ka nalang din kay herinne kasi magaling din siya.ewan ko, pao. hindi mo alam kung gaano kalaki ang naging epekto nito sa amin lalo na kay herinne. iniingatan niya ang grades niya eh. alam naman nating lahat yon. tapos dahil dyan, bumagsak tayo sa project at nagkaroon pa siya ng 2.75 na grades. ang laking hatak non.
sasabihin ko 'to sa mga kagroup natin pati kay herinne at kung hindi ka ready mabasa ang sasabihin nila, i-ignore mo muna yung gc. huwag mo na rin munang kakausapin si herinne please.
Pao
Okay, naiintindihan ko. Sorry ulit.
seen
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...