173

148 6 3
                                    

04-12-25

• • •

messenger

[ Lianna Guillermo ]
active now

today at 6:55 PM

Lianna
ayoko na manahimik herinne

alam kong nakita mo si jance kanina pero nagkunwari kang hindi mo siya nakita tapos ako lagi ang ginagawa mong excuse pag sinusundo ka

sabi ka nang sabi na wala kayong problema pero hindi mo ba nahahalata sa mukha ni jance na ilang gabi na siyang puyat?

anong problema mo?

hindi ako galit kaya huwag kang matakot. nag-aalala lang ako sa inyong dalawa, lalo sayo

today at 7:32 PM

Herinne
hindi ko na alam

Lianna
ang alin?

Herinne
magulo, lia

Lianna
iintindihin ko

sabihin mo kahit magulo yan

gagawa ako ng way para maintindihan ko

sabihin mo lang sa akin please?

Herinne
gusto ko nang tumigil siya manligaw

Lianna
bakit? kaya mo siya iniiwasan?

Herinne
siguro? kasi baka kapag nasaktan na siya sa ginagawa ko, baka kusa na siyang tumigil

Lianna
bakit mo siya gustong tumigil sa panliligaw?

hindi mo ba siya gusto?

Herinne
i like him. i really like him T__T

pero hindi kami pwede. hindi na maganda ang nagiging epekto ko sa kaniya, lia. nag-text sa akin yung kaibigan niya last time.

palagi raw siyang tumatanggi sa mga kaibigan dahil sa akin. ang baba ng scores niya sa mga quiz and activity nila. may proof na sinend, may pangalan niya ang mga paper. tapos, tinanggihan niya pa yung alok ng mama niya na pinapayagan na siyang mag-aral ng med.

alam ko kung gaano niya kagusto aralin yon, lia T__T kaya ang sakit na dahil sa akin kaya tinanggihan niya yon. sinayang niya yung opportunity na makapag-aral at matupad ang pangarap niya at dahil lang sa akin.

ayaw ko nang ganito. alam niya kung gaano ko pinapahalagahan ang mga pangarap namin kaya bakit ang dali sa kaniya na gawin yon?

at isa pa, pagkatapos ng sem, aalis na ako.

Lianna
HA? ANONG AALIS?

Herinne
kukunin ako ng tita ko. sa NY na ako mag-aaral

hindi ko nasabi sayo agad kasi hindi pa ako nakakapag-decide pero ngayon buo na ang desisyon ko. tatanggapin ko yung offer ng tita ko

Lianna
OMG KA BEH

BAKIT MO AKO IIWAN HUHUHUHU

pero pangarap mo yan e kaya wala na akong magagawa kundi ang suportahan ka

basta magca-call tayo everyday!

si jance pala?

Herinne
noong hindi ko pa alam yung nangyayari sa kaniya, sinubukan kong i-consider kung kaya ba namin ang LDR pero mukhang walang mangyayaring ganon hahaha

hindi pa siguro ngayon ang tamang oras para sa aming dalawa? gusto kong matupad ang mga pangarap ko at gusto ko ring tuparin niya iyong kaniya

Lianna
ang lungkot naman :(

nakakaiyak :(

bakit naman ganon ang tadhana huhu

i love you, erine ko

namimiss na agad kita sa thought pa lang na aalis ka at malalayo sa akin, parang hindi ko kaya

pero kailangan kong kayanin

Herinne
i love you, my lia 💓

may dalawang buwan pa naman bago ako umalis kaya sulitin na natin, oki? ^__^

Lianna
talaga!

kung pwede lang sa inyo na ako matutulog

ano pala ang balak mo kay jance?

mas maganda kung sabihin mo sa kanya ang reason kaysa iniiwasan mo lang siya kasi deserve niya rin malaman yan :(

Herinne
kilala ko si jance

hahanap at hahanap siya ng paraan para hindi kami malayo sa isa't isa kaya ayaw ko munang malaman niya ang totoo. hindi sa ngayon T__T

buo na rin ang desisyon ko.

hindi na yon magbabago.

Lianna
nakakalungkot :(

pero mahirap talaga kapag pangarap at pag-ibig na ang pinag-uusapan e at ikaw, alam kong pangarap ang pipiliin mo

at okay lang yon! love can wait

susuportahan kita sa kung anuman ang maging desisyon mo, okay? nandito lang ako always

love you talagaaaa

mag-i-sleepover nga ako dyan tonight!

Herinne
i love you too <3

thank you, lia 💙

and sureee! isama natin sina faith & cy!

Lianna
sigeeee

mga 8 nandyan na kami

magre-ready na pala ako

love youuu

salamat kasi nagsabi ka

Herinne
bff tayo, right? 😁

ingat kayo papunta dito ha

love uuu <3

Lianna
yes pooo

see youu
[ 💗 ]

whispers of the heartWhere stories live. Discover now