07-15-24
• • •
messenger
Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILEtoday at 9:37 AM
Erine
huhi
frew ka pi bs
wait nanginginig aki
today at 9:59 AM
Erine
okay namy gosh that was so . . . 😩
so, hello. i'm erine!
free ka po ba?
i mean, emotionally available?
u can take rants or whatsoevers?
sorry, i just need someone to talk to. or kahit mailabas ko lang ito right now, AS IN RIGHT NOW
feeling ko magbe-breakdown ako if hindi ko nailabas lahat 'to T__T feel free na hindi mag-reply naman. i just need to let these all out
thanks in advance! ><
so ayun nga nag-enroll kasi ako tapos nakita ko yung mga dati kong kaibigan noong sh na trinaydor lang ako 😅
kasi after 2 years, ngayon ko lang sila nakita. as in, ngayon lang talaga. cinut off ko na sila at never ko na sila nakita dahil lumipat na rin kami ng bahay tapos ngayon hahaha i can't believe this! nandito sila ngayon! mukhang mag-e-enroll din sa pinapasukan kong university! 😥
hindi ko alam eksaktong mafefeel ko pero mas lamang yung— idk, sama ng loob? kasi nagawa pa nila akong batiin! parang nothing happened lang?! T___T saan sila kumuha ng lakas na iapproach pa ako after everything?!
pero nalulungkot ako na nahuhurt kasi naaalala ko na naman lahat t____t akala ko okay na ako e. akala ko napatawad ko na sila nang tuluyan. pero isang kita ko lang sila, isang kausap lang nila sa akin, feel ko nag-back to zero ako
ang hirap :(((
it's been two years. yes, healing has no timeline pero ang hirap na rin kasi? na dalawang taon na pero nandito pa rin ako? nandito pa rin pala ako?
nakakatrauma nang sobra 😣 dahil sa kanila kaya wala akong kaibigan ni isa ngayong college! T__T second year na ako this school year pero wala pa rin akong kaibigan kahit isa hahahahaha #loner
and okay naman mag-isa pero minsan talaga ayoko eh T__T i mean, sanay akong mag-isa pero hindi ko pa rin gusto? sanay akong mag-isa pero ayaw kong masanay na lang?
kasi bilang normal na tao siyempre need ko rin ng makakausap. yung mapagkekuwentuhan ko ng kung ano-ano at malalapitan kapag may problema 🙁
sadly, wala ako non T_T
dati meron pero dili na lang ako mag-talk
ayoko rin naman mag-download ng socmed like twitter para doon maglabas ng mga hinanakit ko kasi nandoon din sila saka nakakatrauma doon saka sa ig at ibang socmed apps t___t
mabuti na nga lang may free wifi dito at bago pa man ako mag-breakdown ay nakapag-download na ako ng fb lite!!!
sobrang natataranta na ako kanina at kailangan ko nang mailabas lahat 'to kaya hindi na ako dumiretso ng messenger para i-chat ang pinsan ko haha saka what if busy rin siya di ba?
tapos sakto ikaw yung unang nalabas sa friend's suggestion kaya ikaw na minessage ko >__< sakto stranger ka at may nag-whisper sa akin na sayo magsabi kasi mas okay mag-open sa stranger di ba? kasi they won't judge u 🦋
ang random ko hehehe obvious na medyo kalmado na ako ngayon pero i'm still here sa cr!!!
anyway, thank you pala 💓 thank you for listening! kahit hindi ako sure kung mababasa mo ito later. you're not required to reply naman, don't worry! salamat nang marami <3 😊
i gotta go now! hindi naman pwedeng dito na lang ako forever sa cr 😿 kung sino ka man, sana pagpalain ka ng Diyos. sinave ako ng account mo :))
byeee
AND SORRY RIN SA ABALA T___T
sayonaraaa
sent
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...