04-04-25
• • •
messages
mother earth
+639********* Philippinestoday at 5:10 PM
mother earth
Anak, tumawag sa akin ang Tita mo.May good news ako.
today at 5:15 PM
erine
ano po yon mama?mother earth
Nakaisip ka na ba ng gusto mong maging?Na connected sa course mo ngayon?erine
software engineer po ^__^nainspire po kasi ako doon sa isa naming instructor. software engineer po ang anak niya 😁
bakit po pala? ano po ang sabi ni tita?
mother earth
Naku! Sakto pala.Naalala mo yung usapan niyo? Kalimutan mo na yon anak. Gusto niyang tapusin mo nalang ang second year mo dito, pero kailangan President's Lister ka pa rin pagkatapos ng sem.
Lumipat kasi siya sa New York at pag-aaralin ka niya doon sa University doon. Secured na ang trabaho mo anak kapag doon ka nakapagtapos.
Siya na ang bahala sa papeles mo. Siya na rin ang sasagot sa lahat ng gastusin kaya wala na tayong aalalahanin pa. Ang hinihintay nalang namin ay ang pagpayag mo para masimulan na ang pag-aasikaso ng mga kakailanganin.
Papayag ka ba anak?
today at 5:28 PM
erine
magandang opportunity po yan para makapag-aral at makapagtapos ako. ang inaalala ko lang po, kayo, maiiwan kayo t__tpwede po bang pag-isipan ko muna?
mother earth
Oo, sige.Hindi naman nagmamadali ang tita mo.
Huwag mo kaming alalahanin anak. Malalaki na ang mga kapatid mo at kaya na nilang asikasuhin ang mga sarili nila.
Pambawi ko na rin sayo ito sa mga nasabi ko noong nakaraan. Unahin mo naman ang gusto mo ngayon anak. Tuparin mo ang mga pangarap mo. Sundin mo ang gusto ng puso mo.
erine
: ((i love you, mama, sobra
salamat po sa lahat
mother earth
Salamat din sa pagiging mabuting anak, Erine. Alam kong kahit wala ang papa mo dito, proud siya sayo kasi napalaki ka naming mabuti.Pag-isipan mo ito nang mabuti ha?
erine
opothank you po ulit <3
mother earth
Oh sige na.Ingat kayo sa pag-uwi mamaya.
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...