08-12-25
• • •
messenger
[ Raika Jimenez ]
active now
today at 10:57 PM
Raika
hindi ka sasama bukas?
bukas ang alis niya
ihahatid namin
today at 11:02 PM
Adriel
gusto ko pero ayaw kong makita na umalis siya
baka magmakaawa lang ako na huwag na siyang umalis at dito nalang siya ahahahahahwhaha
pangarap niya yon e
Raika
nakakalungkot
sana hindi ka galit kay erine
Adriel
hindi ako galit sa kaniya at hinding-hindi ako magagalit, kahit ano pang sabihin o gawin niya
mahal ko yung pinsan mo, raika.
mahal na mahal
kaya kung saan siya magiging masaya, susuportahan ko siya. kahit yon pa ang maging dahilan ng pagkawasak ng puso ko, basta masaya siya, okay na yon sa akin. maiintindihan ko.
sana matupad niya lahat ng pinapangarap niya kasi matapos ang lahat, deserve niya yon.
Raika
totoo, deserve na deserve niya yon
ilang taon siyang naging selfless at masaya ako kasi nagawa niya ring sundin ang gusto ng puso niya ngayon.
alam kong may nararamdaman din yon sayo. hindi nga lang siguro ngayon ang tamang pagkakataon para sa inyo.
Adriel
hihintayin ko siya
mangarap muna siya, may maghihintay naman
Raika
salamat aj
hindi ka talaga sasama? sure na yan?
Adriel
kahit gusto ko, hindi ko talaga kayang makita siya na umalis
i-update mo nalang ako tungkol sa kaniya
Raika
makakaasa ka
Adriel
salamat raika
ingat kayo bukas
ingatan niyo
Raika
oo naman
pinakamamahal naming pinsan yon e
Adriel
pinakamamahal ko rin
Raika
grabe iba talaga si erine
[ 💯 ]
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...
