044

180 10 4
                                    

09-07-24

• • •

messenger

Jance Takahashi
You're not friends on facebook
VIEW PROFILE

loading previous messages

today at 11:21 PM

Erine
dear jance,

HINDI KA MANINIWALA SA IKEKUWENTO KO NGAYON

alam mo ba bakit late ako nakapag-online? kasi kinausap nila ako! 😩 yung dati kong friends na trinaydor ako? u remember them?

okay para pala akong stupid, nagtatanong kahit alam kong hindi ka naman sasagot 😅 sawry

nakausap ko sila! could u believe it? noong pauwi na kami, nakasalubong ko sila tapos medyo nanginginig pa ako non, kagaya nung reaction ko dati! pero hindi na ako nag-chat dito kasi kasama ko naman si lia at pinakalma niya ako >__<

tinanong ni lia anong need nila sa akin tapos gusto raw nila akong makausap. i got scared at first kasi pero ayun, kahit natatakot pumayag pa rin ako, kasi sabi naman ni lia sasama siya

ARE U PROUD OF ME???

i cried kanina t__t and sila rin! my ex-friends!

sorry sila nang sorry sa akin. immature pa raw sila noon at nilamon sila ng inggit kaya nagawa nila sa akin yon. sinabi ko rin sa kanila yung mga hinanakit ko. kung gaano ako nasaktan kasi i treated them nice and totoo naman mga pinakita ko pero ganon ang sinukli sa akin ☹️

gusto nilang makipag-ayos kaya pumayag ako. feel ko ready naman na ako and parang yung sorry lang din nila ang hinihintay ko? closure. pero yon, noong inask nila ako if gusto ko sila maging friends ulit, tumanggi na ako. okay lang naman yon di ba? i mean, forgiveness doesn't require reconnection so hindi required na makipagkaibigan ulit ako sa kanila. tama lang naman ang ginawa ko di ba? T__T

nalulungkot ako kasi kung hindi lang sana nila hinayaan na lamunin ng inggit noon, friends ko pa rin sana sila until now. pero may part sa akin na thankful kasi kung hindi siguro ako nakaalis sa cof nila, ang toxic at masu-suffocate lang ako. at nakilala ko naman si lia so okay na yun! 😌

kahit na may lungkot, mas lamang yung saya. feel ko nakalaya na ako 😩 from the past, from all the trauma, from the pain, from everything. ang gaan-gaan talaga sa pakiramdam kapag nakapag-let go ka na, ano? lalo na kapag nagawa mo silang patawarin despite everything

i am so proud of myself! kasi nakaya ko yon.

sana lang huwag na nilang sisihin ang sarili nila. sana mapatawad na rin nila ang sarili nila.

i wish them well pa rin 💓

haaays. deserve ko bumili ng libro bukas! a simple reward for myself for another achievement? achievement ito for me ih ><

neways, gonna sleep na. good night!

love,
erine
sent

whispers of the heartWhere stories live. Discover now