Erine Jimenez updated her status. only me
dear diary,
hello! it's been a while >__<
ilang buwan na ako dito sa NY at unti-unti ay nasasanay na ako. may new friend na rin ako! si sabrina 💓 same na same sila ng personality ni lia kaya nagustuhan ko siya, pero siyempre, wala pa rin talagang papalit sa pwesto ni lia. baka magselos pa siya 😅
speaking of lia, noong new year and birthday ko, sinurprise nila ako 😢 akala ko nagjo-joke lang sila noong sabing ice-celebrate ko ang birthday ko with them and nagulat na lang ako noong 12 na, ginising ako ni tita and na-realize na katabi ko na pala ang family ko and lia T__T
super unexpected! hindi pa ako makapaniwala that time T__T kinailangan pa akong sampalin nang very very mahina ni lia para lang maniwala ako na real sila 😭
binayaran pala ni tita ang ticket nila para lang makabisita sila sa amin. alam niya raw kasi gaano ko namimiss ang family ko and si lia. grabe iyong love na na-feel ko that time. ang saya ng heart ko and full na full.
kaso, noong january 3, nag-relapse ako 😞
birthday niya kasi? parang last year lang ay magkasama kaming cinelebrate ang birthday ng isa't isa then ngayon, magkalayo na. can't help na malungkot pero okay lang siguro yon. . . hindi naman pwedeng umuwi ako sa pilipinas dahil lang sa gusto ko siyang makita. . . kahit minsan ay halos kampihan ko na ang ideyang iyon.
nacu-curious ako minsan kung tinuloy niya ba ang engineering o baka nag-shift na siya. kung iyong nauna man ang inaaral niya until now, unti na lang ay graduation na nila. babatiin ko ba siya? wala akong lakas ng loob. matapos ba naman ang lahat ng nangyari at sa masasakit na sinabi ko sa kaniya, parang hindi ko na siya kayang harapin pa. ayaw kong makita niya pa ako. ayaw kong titingin siya sa akin at ang maaalala niya ay ang masasakit na alaala.
hays. ang hirap, but it'll be worth it.
hang in there, 21 years old na jance and 20 years old na erine. i'll make you two so proud.
love,
erine
YOU ARE READING
whispers of the heart
RomanceAfter experiencing betrayal from her old friends, Erine struggled to connect with people again. She spent almost two years in isolation, with only her siblings and cousin for company. One day, she came across her old friends. Feeling nervous after r...