finale

221 12 15
                                    

"Bakit ka nandito?"

Hindi ko mapigilan na matawa dahil sa binungad niya sa akin. Ilang oras akong naghintay dito sa labas kahit halos mamatay na ako sa lamig tapos 'yan lang ang sasabihin niya? Wala man lang bang "I miss you" o "Masaya akong nakita kita" ?

Pero magrereklamo pa ba ako? Ang importante ay nandito na siya sa harapan ko. At wala na akong balak alisin pa siya sa paningin ko.

"Sinusundo ka?"

Hindi siya sumagot kaya pinangunahan ako ng kaba. Paano kung hindi pala siya sasama sa akin?

Siyempre pipilitin ko. Hawak ng buong pamilya niya ang buhay ko. At sa pag-uwi naming dalawa, doon nakasalalay kung mabubuhay pa ba ako sa mundo o hindi na. Pero siyempre biro lang.

"Erine—"

Fuck. I mean, wings? Ayaw niya palang nagmumura ako. Pero paanong hindi ako magmumura kung bigla-bigla niya akong niyayakap? Wala man lang pasabi.

Bakit ba ang daldal ko? Gusto ko rin naman.

Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya nang yumakap ako pabalik. "Uwi na tayo," bulong niya na halos magpaluha sa akin. "Uwi na tayo."

"Masusunod, boss baby. Nandito na nga ang ticket. Sagot mo na lang ang hinihintay ko," sagot ko at ilang beses na pinatakan ng halik ang kaniyang noo.

Kumalas siya sa pagkakayakap kaya pinunasan ko ang pisngi niya. Ang cute umiyak ng mahal ko pero hindi ko gustong nakikita siyang umiiyak.

"Bukas na bukas din, uuwi na tayo. Sa ngayon, magpahinga na muna tayo, okay?" Tumango siya.

"Uuwi ka ba o kung gusto mo, dito ka na rin matulog- bakit ka pala nandito? Matagal ka na bang nandito o kadarating mo lang? Para kasing nakita kita noon pero hindi ako sigurado kung ikaw 'yon. Sabi naman ni Lia, hindi raw."

Wala akong sinagot sa mga tanong niya at sinabi niya. Nakatingin lang ako, nakatitig, pinagmamasdan at humahanga sa kung paano siya maguluhan sa nangyayari.

Nakakatuwa na pagkatapos ng lahat, kahit dalawang taon na ang nakalipas, hindi awkward ang atmosphere.

"Hindi mo ba ako namiss?"

Umiwas siya ng tingin nang mapansin kong namumula ang pisngi niya. Tangina. Ang cute naman mag-blush. Sarap ibulsa.

"Ang layo ng sinabi mo sa lahat ng itinanong ko."

"Hindi mo ako namiss?" Wala pa ring sagot. "Namiss kasi kita kaya ako sumunod rito. Naputol 'yung pagtitimpi ko na sundan ka noong sinabi mong mahal mo ako-"

Lalo siyang umiwas ng tingin. "Huwag nga. Nahihiya ako."

"Nahihiya ka na mahal mo ako?" pang-aasar ko.

"No!"

"Talaga? I love you."

Lalong lumawak ang ngiti ko nang mapansing naiiyak na naman siya. Grabe. Soft-hearted talaga ang mahal ko.

"I love you. . ." bulong niya.

"Ano? Hindi ko marinig."

"Mahal kita! At namiss din kita!"

Hinila ko siya para muling yakapin. Kahit sumigaw pa siya diyan, ang soft pa rin ng boses niya.

"Bakit pala minessage mo pa ako? P'wede namang dito mo na lang sabihin 'yung mga sinabi mo," pag-iiba niya sa usapan.

Napangiti ako. "Para maipaprint mo rin at i-highlight mo 'yung sinabi kong mahal din kita."

Mas lalo siyang namula.

whispers of the heartWhere stories live. Discover now