108

170 10 9
                                    

11-09-24

• • •

messenger

[ Jance Takahashi ]

today at 1:46 AM

Erine
jance? hindi ako sure kung mababasa mo agad 'to but i'm gonna leave it here.

una sa lahat, thank you for having the courage to tell me about what you are going through right now.

ang sakit. nasasaktan ako na nakikita kitang nasasaktan at nahihirapan. nasasaktan ako kasi bakit. . . bakit kailangan mong mamili sa dalawa? sa pagkuha ng atensyon ng mama mo by pursuing her dream at sa pag-abot ng pangarap mo talaga.

wala ako sa posisyon mo pero alam ko kung gaano kahirap. kasi pagmamahal ng nanay at pangarap mo ang pinag-uusapan dito. hindi ko alam kung paano ko maaalis yang sakit na nararamdaman mo kaya hayaan mo akong gawin din kung anuman ang ginawa mo noon para sa akin. nandito ako. sasamahan kita, jance.

pangalawa, thank you for choosing not to give up.

ang hirap naman talagang aralin yung hindi mo gusto. grabe yung pressure eh 'no? lalo na yung pagod kasi doble yung effort na ineexert mo dyan so thank you for keep going. proud ako sa'yo!

huwag kang mag-alala, hindi pa naman matatapos ang buhay kapag graduated ka na eh : )) marami ka pang chance. . 

may nabasa ako dati.

sabi, i-park lang daw muna natin ang pangarap natin para pwede pang balikan kapag mas handa na tayo. kaysa ipilit mo at tuluyan kang masira sa daan, hanggang sa iwanan mo na lang.

so, please, jance? i-park mo muna ang pangarap mo. huwag mong iiwan ha? i-park mo lang at balikan mo someday. makakamit mo yan.

magiging doctor ka rin! i claim it!

in God's time. 💗

today at 2:01 AM

Jance
wait lang haahahahaha

naiiyak ako

wait

Erine
then, cry!

kanina mo pa yan pinipigilan

ano bang pumipigil sayo?

yung kasabihan na dapat kapag lalaki, hindi umiiyak? that's bullshit, jance. mapa-babae man o mapa-lalaki, lahat may karapatan umiyak. hindi kayo robot. nasasaktan kayo. may feelings kayo.

Jance
hahaha shit

salamat

thank you

sobra

Erine
just cry, okay? let it all out.

i'm here lang naman, taga-bili ng tissue mo

Jance
thank you

speechless ako mula kanina pa tangina

gusto nalang kita ulit yakapin

Erine
no worries!

that's what friends are for ^__^

hug na lang kita ulit kapag nagkita tayo 😊

Jance
kita tayo bukas hahahahahaha joke

salamat talaga erine

ang swerte ni lia at ng pamilya mo

kasi meron silang herinne

Erine
mas lucky ako! because i have them 💘

at ikaw naman. u have me! so lucky ka rin!

Jance
hahahahahahahhahahaha

oo naman

i'm lucky to have you, erine

noong panahon na account ko ang unang nakita mo, sa part pa lang na yon sobrang swerte ko na

Erine
hala

kinikilig ako 🙈

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA kidding

Jance
ako rin

pero walang kidding

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Erine
yikeees

do you feel better na ba?

kahit unti?

Jance
oo

kahit kanina pa lang, okay na ako e

salamat ulit erine

sa lahat lahat

Erine
you're welcome! 💗

let's sleep na?

Jance
sabay tayo?

Erine
oo hehehehe

if u want

Jance
syempre gusto HAHAHAHAHAHAHAHA

salamat talaga erine ha?

gumaan yung pakiramdam ko

salamat kasi hinanap mo ako

Erine
hinahanap ka rin nila ate raika t__t

doon ko nga nalaman na halos tatlong araw ka na palang hindi nagpaparamdam

sorry. naging busy ako at hindi man lang kita na-check, but don't worry kasi simula ngayon, may daily check up na tayo! 😊

Jance
hinanap nga nila ako pero sa text lang HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

ayos lang yon boss huwag ka mag-sorry

ako nga dapat mag-sorry kasi pinag-alala kita

daily check up hahahaha cute naman

Erine
basta mag-iingat ka palagi 💚

tulog na tayooo

good night, jance. sana makatulog ka nang maayos at gumising kinabukasan nang walang bigat sa puso mo. 💗

drink water pala, oki? pampalit sa luha mo. iiyak lang tayo pero dapat hydrated pa rin. stay hydrated!

Jance
copy boss salamat

good night

salamat ulit

Erine
you're welcome ^__^

Jance
sleep well po
[ 💗 ]

whispers of the heartWhere stories live. Discover now