1

1.3K 24 6
                                    

chapter 1 dedicated to:
seve_rhino

chapter 1 dedicated to:seve_rhino

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It’s raining today. . . 


Tuwing umuulan ay siya rin namang lungkot ang nararamdaman ko. Naalala ko na naman kasi ang nakaraan ko tungkol kay ina. Muntik niya akong iwan noon kay tiya dahil magma-Maynila siya. Mabuti nga at pinigilan siya ng tiyo noon dahil kung hindi ay tuluyan na siyang nakaalis.


Malakas ang ulan no’n at talagang hinabol ko siya palabas ng bahay para lang pigilan ko. Dahil sa hiya niya no’n dahil sa dami ng kapitbahay na nanonood sa amin ay bumalik siya sa bahay kasama ako.


Pinagalitan at pinalo niya ako. Galit na galit siya noon dahil paano niya raw ako bubuhayin kung nandito lang siya sa probinsya namin. Pero inofferan naman na siya ni tiya ng pagkakaabalahan kaya nag-stay siya rito.


“Tulala ka na naman,” puna ni Jeri. “Umuulan pala.”


Tumingin ako sa kaniya dahil nakadungaw ako mula sa kanilang bintana.


Nandito ako sa bahay nila ngayon kasama ko si Eliana. Katatapos lang ng pagbebenta namin sa hospital. Saktong pag-uwi namin ay umulan kaya dumiretso kami rito kina Jeri para magpatila dahil medyo malapit na ito kung saan kami naabutan.


Sobrang init kasi kanina at hindi naman namin inaasahan na uulan nang malakas. Kakauwi niya lang din galing sa school kaya sakto talaga.


“Ang pogi talaga ng bagong doctor, Jeri! Halatang may lahi!” kinikilig na sabi ni Eliana bago tumusok ng hotdog gamit ang hawak niyang tinidor. “‘Di ba, Achi?”


Umismid ako. “Okay lang naman,” walang gana kong sabi.


Tumawa naman si Jeri. “Pookie, parang duda ako sa sinabi mong pogi kung ganiyang ang reaksyon ni Achi. Halatang walang interes, eh.”


Pabiro namang umirap si Eliana bago lunukin ang kaniyang kinakain. “Dzuh. Pogi naman kasi talaga. Ang lakas ng appeal! Lalo na iyong mga mata niya, kulay green.”


“Matanda na yata ‘yon, pookie. ‘Wag ka na roon,” sabi ko at umayos nang pagkakaupo. Humarap na ako sa kanila.

Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon