30

732 21 3
                                    

I’m standing now at the end of the aisle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I’m standing now at the end of the aisle. Kasama ko sina ina at ama na nasa magkabilaang gilid ko. Mula rito ay nakikita ko ang mga bisita namin. They were smiling and gesturing a small clap.



Sa dulo ay naaninag ko si Thad. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon pero hindi ko makita iyon nang maayos dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo sa aking mga mata.




Marahan kaming naglakad papunta sa harapan. Hindi maiwasan ng aking mga labi na mapangiti pero at the same time nararamdaman ko naman ang kaba. Ang daming tanong sa isipan ko.




Magiging mabuting asawa kaya ako?




Paano kapag nagkaanak na kami? Magiging maayos ba ang buhay namin? Magiging mabuting ina kaya ako?




Ang kasal kasi ang pinakasagradong bagay na pinanghahawakan ko kaya naman nang pumayag ako sa alok ni Thad, alam ko sa sarili ko na sigurado na ako sa kaniya at siya na talaga ang makakasama ko sa habang buhay.




Nang makarating kami sa dulo ay nagulat ako nang magmano si Thad sa mga magulang ko. Nagkatinginan pa kami ni ina dahil hindi namin alam na gagawin niya iyon! Sa tradition kasi sa Pilipinas ay ito ang tanda ng paggalang hindi ba. Hindi ko alam na alam niya pala ‘yon! Nakakamangha.




Nang mahawakan ko ang kamay ni Thad at humalik siya roon at sinalubong ang aking tingin. “You’re so beautiful, baby,” nakangiti niyang sabi.




“I love you.”




“I love you more.”




Sabay kaming nagtungo sa unahan para harapin na ang magkakasal sa aming dalawa. Nagkaroon lang ng opening prayer bago kami magtungo sa declaration of intent.



 
“Zachida and Thadrevia, do you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?”



“We do,” sabay naming sagot ni Thad.



“Please face each other and join hands,” utos ng pari kaya hinawakan ni Thad ang aking kamay.



 
“I, Thadrevia Chid Jadaroez, take you, Zachida Jaucian Zolpario, to be my wedded wife. I promise to love, honor, and cherish you, in sickness and in health, for richer or poorer, and to be faithful to you all the days of my life.”


 
“I, Zachida Zolpario take you, Thadrevia Jadaroez, to be my wedded husband. I promise to love, honor, and cherish you, in sickness and in health, for richer or poorer, and to be faithful to you all the days of my life.”




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon