14

674 15 6
                                    

Chapter 14 dedicated to:
James Paul P.

Nang magmulat ako ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang magmulat ako ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang puting kisame. Alam kong pamilyar ito sa akin dahil ilang araw na akong natutulog dito.


Ang kwarto ni Thad.



Inilibot ko ang aking tingin at ni isa ay wala akong nakitang tao. Paano ako napunta rito? Samantalang kanina ay nasa bahay lamang ako nina Jeri. Pumasok na naman sa aking isipan ang mga nalaman ko tungkol sa aking mga magulang.


Kung gayong hindi na sila bumalik sa mansion nila, paano ko sila hahanapin? At anong nagyari noon at bakit napunta kami ni ina rito sa Pilipinas?


Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo. Nagtungo ako sa pintuan at binuksan iyon, sumilip ako sa labas pero wala akong naririnig na kahit anong ingay.


Napalingon ako sa orasan na nakasabit sa itaas ng bintana. Alas-dos pa lang hapon. Kapag ganitong oras ay tulog ang daddy ni Thad samantalang siya ay may duty pa ng ganitong oras at alas-sais pa ang kaniyang uwi.



Dahan-dahan akong humakbang pababa ng hagdanan at lumabas ng bahay. Mabilis akong naglakad papunta sa kabilang street para mapuntahan ko ang bahay ni Dr. Delxerio sa likuran.


Nang makarating ako sa tapat no’n ay tiningala ko ang may saktong laking bahay lang pero moderno ang disenyo. Kaagad kong pinindot ang doorbell at ang lumabas ng bahay ay isang kasambahay.



Kaagad siyang nagtungo sa gate. “Ano po ‘yon? Sino pong kailangan nila?” magalang niyang tanong sa akin.


“Si Dr. Delxerio po ba nandito?” tanong ko kaagad.



“Oo. Anong kailangan mo sa kaniya?”


“Maaari ko po ba siyang makausap?”


“Sige sandali at itatanong ko,” aniya at pumasok sa bahay. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas din siya kaagad at binuksan ang gate. “Pasok ka na, ija.”



“Salamat po.”



Kaagad niyang itinuro sa akin ang daan papunta sa opisina ni Dr. Delxerio. Mayroon siyang sariling mesa roon at dalawang upuan. Nakita ko naman siya sa gilid na may hawak na libro habang nakasuot na eyeglass.

Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon