29

567 15 0
                                    

“What happened to you last night, Zachida?” Grandpa asked me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“What happened to you last night, Zachida?” Grandpa asked me. “Why were you there?”



Hindi ako makatingin sa kanila dahil sinabi ni ina na hindi ko p’wedeng sabihin sa kanila na nagpakita na siya. Dahil hindi pa siya babalik sa amin.



“I just thought I saw someone familiar, but I was mistaken,” pagsisinungaling ko.



Pero kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam dahil alam kong buhay si ina. Alam kong may matutuluyan siya. Sana ay magpakita siya sa akin ulit sa mga susunod na araw.




Na-miss ko kaagad siya at marami akong gustong ikwento sa kaniya. Sa loob ng ilang taon ay gusto ko ulit i-share sa kaniya ang mga nangyari sa buhay ko at handa rin akong makinig sa kaniya.



“Next time, make sure someone goes with you. You know it's dangerous outside,” Grandma said calmly.



“I’m sorry,” I replied.



Napatingin ako kay ama na nag-aalalang nakatingin sa akin. Alam kong gusto niya ring itanong sa akin iyon pero palagi akong umiiwas dahil ayokong madulas.



“By the way, Thad told us about you. He said you two are going somewhere. Where's that?” tanong ni lolo kaya napatingin ako sa kaniya.



Napakamot ako sa aking ulo dahil wala akong maalala na lalabas kami ngayong araw. “I have no idea, grandpa.”




Napatingin siya sa aking kamay kaya dali-dali ko iyong ibinaba. “Where did that ring come from? You are not allowed to wear a ring if you are not engaged or married.”



I swallowed hard. Jusko. Bakit nasa hot seat ako ngayon? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na nagkabalikan na kami ni Thad at nag-propose na siya kagabi.



“She’s engaged with Thad. He told me it last night. They did it secretly,” si ama ang sumagot.



Alam na niya? Nakahinga ako nang maluwag. Parang kapag nandito ako ay para akong sinasakal. Matapos ang isang linggong pamamalagi rito ay pakiramdam ko’y palagi na lang akong hinihigpitan. Naging over protective sila sa akin lalo.



“Thad Jadaroez? Thadrevia?” tanong ni lolo.



“Yes, grandpa,” sagot ko.



“I have no chance to meet him last night. Is he going to tell us about it?” tanong niya.



Hindi ko alam ano isasagot ko! Biglaan naman kasi ang nangyari sa amin talaga.



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon