16

614 12 5
                                    

Chapter 16 dedicated to:
Romelyn G.

Chapter 16 dedicated to:Romelyn G

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Lower your gun. She's scared,” sabi ni Thad bago ako yakapin.


“Wow. Your girlfriend?”



“This is not the right time for that, Sid.”



Narinig ko ang paghalakhak ni Sid bago ang hakbang ng kaniyang mga paa. Inilayo ako nang bahagya ni Thad mula sa kaniya.



“Let’s go,” aniya at iginiya ako papunta sa pathway.



Napayuko kaming dalawa nang may pumutok na baril banda sa amin. Kaagad akong hinila ni Thad bago siya nagpaputok papunta sa taong bumaril mula sa malayo. Natamaan niya kaagad iyon.


“Just stay here, Achi,” sabi niya. Habang nagtatago kami sa mababang pader ng pathway.


Umiling ako at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. “No, Thad. Something might happen to you.”



“I need to clear the way first,” malambing niyang boses. “I’ll be back.”


Tatayo siya nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Malamyos ang kaniyang mga mata na nakatingin sa ‘kin.


“Please, come back safely,” sambit ko.


Hinaplos niya ang buhok ko bago ako halikan sa labi, na ikinagulat ko. Ngunit nawala agad ang kakaibang nararamdaman ko nang marinig ang sunod-sunod na palitan ng mga putok ng baril, na nagpaalala ng panganib na bumabalot sa paligid.


Tuluyan nang tumayo si Thad, habang ako’y naiwan sa likod ng mababang pader. Sumilip ako sa maliit na butas no‹n at nakita kong may sinalubong si Thad na lalaki. Kaagad niya itong sinipa, pilit na iniiwas ang baril sa kanyang direksyon, habang nag-aalimpuyo ang tensyon sa paligid.


Nang mahulog iyon sa sahig, agad silang nag-agawan ng baril. Napalunok ako nang makita kong nakatutok iyon kay Thad, habang takot na takot akong baka pumutok iyon sa kanya. Biglang nahulog ang baril sa pool, at nagpatuloy ang kanilang laban gamit lamang ang kanilang mga kamao at kakayahan sa depensa.

Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon