chapter 2 dedicated to:
ChantreaArthemisHinatid kami ni ina at tiya sa Partas Bus Bangued Abra Terminal. Nang mailagay na ang mga gamit namin sa compartment ay pinaakyat na nila kami kaagad.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi nila kami gaanong pinapalabas at hindi ko rin alam kung bakit. Kapag tinatanong ko naman si ina ay parang nababalisa siya bigla kaya hindi ko na tinatanong.
Nag-uusap na sila sa may labas ng bus dahil nakabukas ang kurtina at nakikita ko sila. “Weird kasi ayaw na tayong palabasin ng bahay. Samantalang dati gustong-gusto nilang magbenta tayo,” sabi ni Eliana sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya.
“Sa tingin mo may tinatago sila sa atin?” tanong ko.
She shrugged. “Hindi ko alam. Si ama kasi ay madalas na ganiyan sa akin tipong ayaw na akong palabasin ng bahay pero baka nahawa niya sina ina at tiya.”
“Pero ang lala naman yata no’ng mga nakaraang araw. Halos buong araw ay bawal lumabas. Para silang may tinataguan.”
Napaisip din siya bigla. “Kailan ba nagsimula ‘yan?”
“Bago ang araw na ‘yon, sa palengke parang naging balisa ang ina. Para ba siyang nakakita ng kilala niya?”
Mabilis siyang humarap sa akin. “What if si ama mo?”
Parehas kaming nanlaki ang mga mata at nakaramdam ng kilabot. Ibig sabihin ba ay nasa paligid lang ang ama? Nagsinungaling lang kaya si ina sa akin na hindi niya kilala nang husto ang aking ama?
Napatingin akong muli sa labas ng bintana. Ngumiti sa akin si tiya at kumaway. Paalis na ang bus dahil nagbibilang na ang konduktor. Maya-maya pa ay umusad na ito kaya kumaway kami kina ina at tiya hanggang sa tuluyan nang makaalis ang bus.
Magta-tatlong oras din ang biyahe hanggang sa Dolores pa lang iyon dahil sobrang liblib na ng Tineg area. Mula naman sa Dolores ay sumakay kami ng jeep hanggang sa San Juan dahil doon naman kami sumakay papuntang Tineg Municipality. Mula sa Tineg Municipality ay mahirap nang humanap ng mga jeep or van kaya ang alternative na lang ay ang habal-habal.
BINABASA MO ANG
Zachida | √
RomancePart 1: Roots of Legacy Growing up without a father, Zachida sets out to find him at 19. Along the way, she meets Thad, a military doctor helping out in her town. Will he help her or stand in her way? © July 2, 2024 | JonalynYan