12

693 17 2
                                    

chapter dedicated to:
Leslie P.

“Po?” naguguluhan kong tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Po?” naguguluhan kong tanong.



May kung anong takot na bumalot sa akin dahil sa kaniyang sinabi. Pakiramdam ko ay kilala niya ako. Napalunok ako nang makitang seryoso talaga siya sa kaniyang sinasabi. Nagsisimula pa lang akong maghanap ng katotohanan.


“Tatang, ano pong ginagawa niyo rito nang ganito kaaga?” tanong ni apa mula sa aking likuran.


Ngumiti kaagad ang matanda. “Nagpapahangin lang at nagsawa na ang katawan ko sa lamig ng aircon...” Sumulyap siya sa akin saglit. “Mauuna na ako at marami pa akong gagawin.”



“Sige po, tatang Delxerio,” paalam ni apa.



Natigilan pa ako saglit at bahagyang umawang ang mga labi ko. Delxerio? Iyong nagdala kay ina rito sa Pilipinas noon? Tama ba?



Nakaramdam ako ng kaba. Lilingunin ko pa sana ang matanda pero lumiko na ito at tinatawag na ako ni apa kaya kaagad akong sumunod sa kaniya.



“Ayos ka lang?” tanong niya.


“Opo. Iyong si tatang po kanina, apa. Ang pangalan niya po ba ay Augustine Delxerio? Dati siyang doctor?” sunod-sunod kong tanong.


Ngumiti siya sa akin. “Paano mo nalaman iyon? Oo, isa nga siyang Doctor noon pero nang nagkaroon siya ng Dementia ay dito na lang siya nanirahan kasama ang kaniyang bunsong anak.”


Maalala kaya niya si ina kung may Dementia siya? Umaasa ako na may makukuha akong impormasyon mula sa kaniya tungkol naman sa pagkatao ni ina. Tila naguguluhan ako sa nangyayari pero kaunti na lang ay mabubuo ko na rin iyon.



Pupuntahan ko rin si Jeri kapag pinayagan na akong bumalik sa lugar namin para makahingi ng impormasyon tungkol sa mga nakalap niya nitong mga nakaraang araw.


“Sa likod lang ng unit natin ang tinitirhan niya. Madalas ko siyang makitang nakatingala sa kwarto ni Thad kapag naroon ako sa likod at nag-aayos ng mga halaman,” pagkwento niya pa.



“Bakit daw niya ginagawa ‘yon?”



Ngumiti siya kaagad. “Dahil daw may nakikita siyang babae na nakatayo roon sa bintana at duguan— nakasabit. Nakakatakot,” aniya.




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon