18

684 16 3
                                    

chapter 18 dedicated to:
Maricar R.

After that day, we never met again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After that day, we never met again... It’s been weeks at wala na akong naging balita maliban doon sa huli na nakaalis na siya ng bansa. Kasama si sir Samuel na hindi pa rin nagigising simula no’ng aksidente.



Narito ako sa bahay nina tiya para magpaalam na dahil lilipat na ako sa Maynila para mag-aral. Kasama ko si Jeri kaya hindi ako malulungkot doon. At least ay makakausap ako.



“Ito, ija ang binilin ng iyong ina,” aniya at binigay sa akin ang passbook.



“Po? Pero may passbook po siyang iniwan sa akin.”




Ngumiti siya sa akin. “Ang sabi niya sa akin ay ibigay ko raw ‘yan sa ‘yo kapag aalis ka na dahil baka kulangin ang dala mo...” Ipinatong niya iyon sa kamay ko at isinara. “Sige na. Dalhin mo na.”



“Salamat po, tiya. Tiya, okay lang po ba talaga kayo rito?” tanong ko dahil sa pag-aalala.



Ang kaniyang asawa ay nakakulong ngayon dahil konektado siya sa kaso. Samantalang ang kaniyang anak na si Eliana ay nasa Maynila na at doon nags-stay para sa nalalapit na pasukan.



“‘Wag mo akong alalahanin, ija. Uuwi naman ang iyong tiyo sa susunod na linggo kaya ayos lang ako. Marami rin akong kaibigan dito kaya hindi mo kailangang mag-alala sa akin,” mahaba niyang litanya.



“Pasensya na po at hindi ko naabutan si ina,” malungkot kong sabi at napayuko.



Ikinwento niya sa akin na tatlong araw bago siya dalhin sa abandonadong resort ay nakaalis ang mga dumukot kay ina at siya mismo. Hindi niya raw nasisiguro kung saang bansa dahil hindi niya maintindihan ang lenggwahe na ginagamit doon kausap ang boss na nag-utos, si Vig iyon malaman.



Sweden. Iyon lang din ang tanging nasa isip ko dahil doon lang naman nagmula ang kanilang pamilya.



“Hindi mo naman kasalanan, ija. Ang mga dumukot lang talaga iyon sa iyong ina. Pero nasisiguro ko na babalik siya. Napakatapang niya kagaya mo kaya magpatuloy ka sa buhay. Alam kong hindi magugustuhan ni Zada kapag nalaman niyang hindi ka tutuloy,” aniya.



Napangiti ako at niyakap siya. “Maganda ang future mo, Achi kaya umusad ka lang hanggang sa maabot mo ang mga pangarap mo,” dagdag niya.



Kagaya ng sinabi ni tita ay nagkaroon ako g bagong buhay sa Maynila. Tumutuloy kami sa isang boarding house malapit sa university na pinapasukan ko. Umaga ang klase ko hanggang hapon. Mula naman sa oras ng labasan ay pumapasok ako ng trabaho ko sa isang bentahan ng mga pagkain.



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon