chapter 9 dedicated to:
Maricris Calixton“Kom aldrig tillbaka hit, unge man. Du kan inte ta min dotter ifrån mig. Om du kommer tillbaka hit, kom ihåg att du inte kommer att se henne igen. Inga fler chanser för dig,” mahabang litanya ni ina pero wala akong maintindihan. (Don’t ever come back here, young man. You can’t get away my daughter from me. If you come back here, remember that you won’t see her again. No chance anymore for you.)
“Du är obarmhärtig, frun. Hur är det med hennes frihet?” malamyos na tanong ni Dr. Thad kay ina. (You’re ruthless, ma’am. How about her freedom?)
“Jag skyddar henne...” (I’m protecting her.) Humarap sa akin si ina nang matapos niyang sabihin iyon. “Pumasok ka na sa loob. Simula ngayon ay hindi ka na basta-basta makakalabas. Hindi ka na babalik sa hospital,” aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko.
Lumingon pa ako kay Dr. Thad bago ako hilahin ni ina. Gusto niyang pigilan si ina pero wala rin siyang magawa dahil sa takot na baka magalit ito lalo sa kaniya.
Nang makaakyat kami sa itaas ni ina ay binitawan niya ako at hinarap. “Hinding-hindi ka na magpapakita sa lalaking ‘yon, Achi!” sigaw niya.
“Bakit ba, ina? Wala namang ginagawa ‘yong tao,” marahan kong sabi sa kaniya at pilit na iniintindi ang kaniyang gusto.
“Dahil isa siyang Jadaroez!”
Kumunot lalo ang noo ko. “Ano pong koneksyon no’n, ina?”
Napakamot siya sa kaniyang noo, halatang nagtitimpi na sa katatanong ko sa kaniya. Napabuntong-hininga siya bago muling tumingin sa akin.
“Hindi mo na kailangang malaman pa. Iwasan mo ang lalaking ‘yon dahil hindi maganda ang kutob ko sa kaniya,” paliwanag niya.
“Ina, hindi ko talaga maintindihan. May koneksyon ba ‘to kay ama?”
Naglakad siya papunta sa pintuan ng kaniyang kwarto. “P’wede ba, Achi! Tama na ang kakahanap diyan sa ama mo! Wala na siya, patay na siya at kahit buhay man siya, wala siyang alam tungkol sa ‘yo dahil lamat ka lang ng pagkakamali. Isuksok mo ‘yan sa kukote mo!”
Parang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa sinabi ni ina.
Nang pumasok siya sa kaniyang kwarto ay napaupo na lang ako sa sahig. Naramdaman ko kaagad ang pangingilid ng mga luha ko sa sulok ng aking mga mata. Naninikip din ang aking dibdib dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Naramdaman ko nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi kasabay ng malakas na ulan sa labas. Napahikbi ako lalo dahil mas bumigat ang aking pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Zachida | √
Storie d'amorePart 1: Roots of Legacy Growing up without a father, Zachida sets out to find him at 19. Along the way, she meets Thad, a military doctor helping out in her town. Will he help her or stand in her way? © July 2, 2024 | JonalynYan