8

733 21 4
                                    

chapter 8 dedicated to:
Binibining Aia

Gumising ako ng may gaan sa pakiramdam dahil sa nangyari kagabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gumising ako ng may gaan sa pakiramdam dahil sa nangyari kagabi. Parang napawi lahat ng pagod ko. Alam kong delikado na ako ngayon dahil may nararamdaman na ako para sa doktor na iyon kahit hindi naman talaga dapat.




Pero ano nga bang magagawa ko kung sobrang bait niya sa akin at dahil doon ay unti-unti akong nahuhulog? Hindi kasi nabigyan ng sapat na kabaitan kaya kaunting galaw lang ng Doctor ay alam kong delikado na ako.




“Aba, ayos na ayos, ah. Magdadala lang naman tayo ng mga pagkain doon,” puna ni ina sa akin nang makababa ako sa hagdanan.




Tapos na kami maghanda at idedeliver na lang namin. Alas-dies ang umpisa kaya dapat ay 9 nando’n na kami.




“Nakakahiya naman, ina kung pupunta tayo roon na wala man lang ayos. Hindi naman tayo agad-agad pauuwiin no’n panigurado,” sabi ko pa sa kaniya.




“Oo nga, ‘no? Ang galing mo naman mag-isip, Achi. Sige sasaglit lang ako sa itaas para magpalit na ng damit,” aniya bago matapos ayusin ang dadalhin namin.




Umakyat na rin siya sa itaas. Inayos ko ang aking buhok at napangiti lalo nang maalala na makikita ko na naman siya. Hayaan mo na at crush lang naman iyon.




Nang makarating kami ni ina sa hospital ay kaagad naming inakyat iyon sa may venue area kung saan gaganapin ang celebration. Iniayos na namin iyon sa may mahabang mesa. Narito rin si tiya. Samantalang si Eliana ay hindi nakasama dahil tulog pa raw dahil sa kalasingan.




Maya-maya pa ay lumabas silang tatlo para kumuha ng mga plato na nasa sasakyan pa. Habang inaayos ko ang serving spoon ay naramdaman kong may nakatingin sa akin.




Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko kaagad si Dr. Thad na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.



Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng magkabilaang pisngi ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Ngumiti ako pabalik.




“Good morning, Doc,” bati ko.



Naglakad siya nang marahan papunta sa akin at ngumiti lalo. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin. “Good morning, Achi. How’s your morning?” malambing niyang tanong.




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon