28

619 12 0
                                    

“Are you ready, my dear daughter?” tanong ni ama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Are you ready, my dear daughter?” tanong ni ama.



Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Opo. Medyo kinakabahan lang pero kakayanin naman po, eh.”




Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. “Don’t be nervous. Tandaan mo lang lahat ng itinuro sa ‘yo, okay?”




“Yes, dad.”




He smiled. “You reminded me of your mother. You have her smile and everything. Namiss ko tuloy siya bigla.”




“Magkikita po natin siya ulit panigurado.”




Nakita ko ang kaniyang pagtango at pagngiti. Inalalayan na niya akong makatayo. Hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Hanggang sa umabot na kami sa may hagdanan na natatakpan ng malaking kwarto.





Nasa kabilang hall kami kung saan isang grandstairs lang dahil sabay kaming bababa ni ama.




“Ladies and gentlemen, please join me in welcoming back our long-lost Zolpario heiress, Miss Zachida Jaucian Zolpario.”




Narinig ko ang mga palakpakan sa ibaba habang inalalayan ako ni ama. I’m wearing a gold halter-neck gown adorned with shimmering glitters that catch the light with every movement. My hair is styled in an elegant vintage look, reminiscent of the classic Thai hairstyles from the 1950s, complete with soft waves and intricate detailing.




Tumutok ang spotlight sa amin nang malapit na kami sa gitna. Lumakas ang mga palakpakan ng mga bisita. Ang tanging ginawa ko lang ay ngumiti.





Kasabay ng pagbaba ko ay ang pag-flash ng mga camera mula sa iba’t ibang anggulo. Parang nag-slow motion ang lahat ng paligid habang bumababa ako. Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako.




Nang makababa ako ay si Rahja naman ang naghatid sa akin papunta sa stage dahil ipapakilala rin siya mamaya. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa may two-seater sofa. Umupo naman siya sa tabi ko.




Doon ko lang napansin sina lolo at lola na nakaupo sa sofa sa may ibaba ng stage. Nasa tabi rin nila si ama na nakaupo sa single sofa. Sa likuran naman nila ay iilang table at mga upuan.




Hindi ko makilala ang mga bisita dahil madilim sa kanilang parte dahil nasa amin ang spotlight.




“Ladies and gentlemen, let's give a round of applause to the heir and heiress of the Zolpario family, Mr. Rahja and Miss Zachida Zolpario,” anunsyo ng emcee.




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon