17

689 15 3
                                    

chapter 17 dedicated to:
Melissa P.

Nagising na lamang ako dahil sa naririnig kong ingay sa aking paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nagising na lamang ako dahil sa naririnig kong ingay sa aking paligid. Nang magmulat ako ay bumungad sa akin ang mukha ni tiya na nag-aalalang nakatingin sa akin.



“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya kaagad.



Maraming pasa ang kaniyang mukha pero hindi na iyon katulad kagabi na may mga dugo at malala. Sa dami ng nangyari kagabi ay hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Napalunok ako habang inaalala iyon.



Si Thad at ang daddy niya!



“Nawalan ka ng malay nang dumating ang mga pulis at rescuer,” dagdag niya.



“S–si Thad po?” tanong ko.



Inilibot ko ang aking tingin at ang tanging nandito lamang ay si tiya at si Jeri. Tumayo rin si Jeri at lumapit sa akin.



“Kinabahan ako sa ‘yo! Akala ko kay tiyo mo lang ikaw pupunta, si tiya mo pala,” aniya.



“Nasa kabilang kwarto si Thad at wala pa ring malay. Ang kaniyang daddy naman ay malala ang lagay at nasa ICU pa rin,” paliwanag ni tiya.



Namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Kinakabahan na ako na baka kung ano na ang mangyari kay apa dahil sa akin. Kasalanan ko talaga lahat dahil hindi ako nakinig sa kanila na ‘wag pangunahan ang lahat.



“Pupuntahan ko po sila,” sabi ko at dahan-dahang bumangon.



Kaagad akong inalalayan ni tiya at Jeri para makababa sa higaan. Nang makatayo ay mabilis akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa ICU ng hospital. Nanlumo ako sa aking nakita.



Napahawak na lang ako sa glass wall kung saan nagsisilbing harang doon. Nakita ko ang daddy ni Thad na maraming pasa, may bandage ang kamay, at maraming aparato ang nakakabit sa kaniyang katawan. Mabagal din ang pulso niya.



“Malala po ba ang tama niya, tiya?” tanong ko kay tiya na nasa aking tabi.



“Tinamaan siya sa hita, braso, at ang huli ay sa likuran. Bugbog sarado siya at maraming dugo rin ang nawala sa kaniya. Mabuti na lang at nahanapan din siya ng donor.”



Naramdaman ko kaagad na lumandas ang luha sa aking pisngi. Kung hindi ko na lang sana hinayaan siyang makita ako no’ng gabing ‘yon ay hindi na sana ito mangyayari.



“Nandiyan pala ang mommy ni Thad,” sambit ni Jeri. Napatingin ko kaagad sa kaniya sa kabilang side ko dahil naroon siya. “Umiiyak kanina nang malaman ang nangyari. Kagabi sila lumapag dahil iuuwi na pala talaga si Thad sa Sweden sa susunod na linggo. Pero sa ngayon ay hindi ko na alam ang mangyayari,” paliwanag niya sa akin.



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon