4

858 18 9
                                    

chapter 4 dedicated to:
irheneguerrero

chapter 4 dedicated to:irheneguerrero

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bagong umaga, bagong pag-asa...


Iyan ang palaging naririnig ko sa aking tiya kapag pumupunta siya sa bahay namin. Palagi niyang pinapaalala sa akin na ang bawat umaga ay mahalaga. Hindi man maganda ang naging araw mo kahapon, gumawa ka ng paraan para maging maayos ngayon.


Maaga kaming nagising sa sumunod na araw dahil tutulong kami ulit. Sa ngayon ay sa palagay kong kakaunti na lang ang dadayo dahil dinagsa kami kahapon.


Pagkatapos mag-almusal ay nagtungo na kami kaagad sa paaralan para ayusin ang mga lamesa. Alas-sais ng umaga dumating ang mga doctor at nurses at mabuti na lang ay natapos na kami mag-ayos.


“Good morning, Achi,” bungad na nakangiting sambit ni Dr. Thad.


“Good morning, Doc,” bati ko pabalik.



“How’s your wounds?”



“Ayos na po, Doc. Hindi naman po namaga. Salamat po sa inyo.”



“That’s good then.”



“Dr. Thad!” rinig kong tawag sa kaniya ni Dr. Issa kaya napatingin siya roon. “Come here. I will discuss something.”



Tumingin sa akin si Dr. Thad. “I’ll go first.”


Ngumiti lang ako sa kaniya bago siya tuluyang umalis. Pinuntahan ko naman kaagad si Eliana at tinulungan siyang mag-ayos ng mga upuan para sa mga magpapa-check up.



Napalingon ako nang marinig kong nagkakagulo ang mga ilang nakapila malapit sa mga Doctor. Natanaw ko ang isang babae na nangingisay at halos mahulog na sa kaniyang kinauupuan. Kaagad siyang inalalayan ng mga nurses na nakaantabay.



Umiiyak ang kaniyang ina habang nakatingin sa kaniyang anak. “Doc, ano pong nangyayari sa anak ko?” natatarantang tanong ng ina.



“Nakaka-experience siya ng seizure. Mrs., ito ba ang unang pagkakataon?” tanong ni Dr. Issa.


“Oo, Dra. Hindi naman siya ganiyan mula pagkabata.”



“Wala po ba siyang medical record?”




Nagagatal na sumagot ang ginang. “Mula pagkabata ay hindi ko siya naidala sa hospital o naturukan man lang ng mga kailangan niya. Ngayon lang talaga, Dra.”



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon