5

832 15 1
                                    

chapter 5 dedicated to:
ChristineJaye7

chapter 5 dedicated to:ChristineJaye7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


“Sige. Hahayaan kita ngayon na pumunta sa Calaba bridge pero bumalik ka bago maghapon, ah,” dagdag niyang sabi sa akin.


“Salamat po, ina,” sabi ko.


Kinuha ko ang susi na nakasabit sa dingding at nagtungo sa motor. Kaagad akong sumakay roon at pinaandar iyon. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang hindi umiyak. Halos nanlalabo na nga ang mga mata ko habang nagda-drive.



Bago pa ako makalagpas ng provincial hospital ay napatigil ako nang may pau-turn na kotse! Gumilid muna siya dahil nakaharang na siya sa daan. Napahinto rin ako at iginilid ang motor ko.


Marahan akong tumingin sa muntik nang makabangga sa akin at nakita ko si Dr. Thad. Kaagad siyang tumawid ng kalsada papunta sa akin.



“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong sa akin.



Marahan naman akong tumango at pilit na ngumiti. “I’m fine, Thad.”



“Did you cry? What happened?”



Umiling ako. “It’s nothing.”


“Are you really fine? Do you want to share about it?” malumanay niyang tanong sa akin.



Parang hinaplos ang puso ko dahil doon. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil parang may natamaan siya sa sistema ko. Bahagya siyang nagulat dahil nakatitig lang ako sa kaniya habang umiiyak.


Humakbang siya papalapit sa akin at niyakap ako. Naramdaman ko kaagad ang haplos niya sa aking buhok. Napapikit na lang ako habang umiiyak sa kaniyang dibdib. Pakiramdam ko nga ay nababasa na ang kaniyang uniform.



Hindi ko alam na nakabalik na pala siya sa Bangued. Ang akala ko ay sa Tineg siya hanggang sa matapos ang medical mission nila.


“Let it out, Achi. I’m here.”



Bahagya akong lumayo sa kaniya nang maramdaman kong napatagal na ang pagdidikit ng katawan namin sa isa’t isa. Mapait akong ngumiti.



“Thank you, Thad.”



May kinuha siya sa kaniyang bulsa— it’s handkerchief. Kaagad niyang inabot sa akin iyon at kinuha ko. Pinunasan ko ang mga luha kong lumandas sa aking mga pisngi.



“What happened?”




“Uhm, it’s just about the entrance exam for college. I didn’t pass, and I feel ashamed in front of everyone.”



He taps my head gently. “Don’t feel bad about it. I know you did your best. Maybe this just wasn’t the right path for you. There will be other opportunities.”



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon