19

723 14 4
                                    

chapter 19 dedicated to:
Danna F.

“Hello?” sagot ko kaagad sa cellphone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Hello?” sagot ko kaagad sa cellphone ko. Medyo inaantok pa ako dahil nagkaroon ng party kagabi sina Jeri for graduation.


Hindi naman ako uminom pero napagod ako dahil naubos ang social battery ko sa dami ng taong nando’n.


“Good morning, Ms. Zachida Jaucian. This is a representative from Xentro Network. May I confirm your availability for a meeting tomorrow?”


Kaagad akong napabangon dahil doon at nawala ang antok ko. Inayos ko ang aking sarili at sumagot muli, “Yes po. Paraa saan po ito?”


“Congratulations, you have been hired as one of our writers. The management appreciates your work and is eager to meet and collaborate with you. Please be at our office tomorrow at 9 AM for an introductory meeting.”


“Thank you so much po! Noted po.”


Nang ibaba na niya ang tawag ay napatili ako at binuksan ni Jeri ang kaniyang kurtina sa itaas ng double deck.


“Anong nangyari?” inaantok niyang tanong.


“Pasado ako, Jeri! May trabaho na ako!” nakangiti kong sagot at nagtatalon-talon sa tuwa.


Mabilis siyang bumaba sa double deck at sinabayan ako sa pagtalon. Niyakap-yakap niya rin ako at sinayaw-sayaw na parang bata.


Nang tumigil kami ay lumapit ako sa larawan ni ina na nakasabit sa dingding sa may study table ko. “May trabaho na ako, ina! Mahahanap pa kita.”


Nilingon ko si Jeri na nakangiting nakatingin sa akin. “Tara. Kain tayo sa labas tapos ayain mo na rin si Chell.”


“Sure!”


Naisipan naming kumain sa Jollibee dahil iyon lang naman ang malapit sa amin. Ayaw na rin namin masiyadong malayo dahil mga tamad kami bumiyahe.


“Halah, teka may tumatawag,” sabi ni Chell saka siya tumayo hawak ang kaniyang cellphone. Nagtungo siya papunta sa may glass wall.


“Oh, ako rin,” sambit ni Jeri saka ipinakita sa akin ang kaniyang cellphone.


Naka-order na kami ng pagkain dahil ibabalita ko na kay Chell na may trabaho na ako. Napatingin ako sa dalawa at saktong-sakto dahil nagkatinginan sila bago lumapit sa akin. Parehas silang napangiti.


Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon