27

575 18 1
                                    

“Ina!”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Ina!”


Napabalikwas ako ng bangon dahil sa aking panaginip. Nakita ko si ina na naglalakad palayo mula sa akin habang sinusundan ang liwanag. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako nililingon.


Napahawak ako sa aking dibdib at nagpatuloy sa pag-iyak. Ina... ‘Wag mo akong iiwan.


Napatingin ako sa aking gilid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki. Nakasuot ito ng tuxedo habang nag-aalalang nakatingin sa akin.


“Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!” sunod-sunod kong sigaw at binato siya ng mga unan.


“Achi, calm down. I’m your cousin,” aniya.



Napatigil sa pagbabato sa kaniya at tumitig sa kaniya sandali. “Rahja?”



Tumango siya. “Yes.”


Napayuko ako at umayos nang pagkakaupo sa gilid ng aking kama. “Sorry.”


Dinampot niya ang mga unan at inilagay sa sofa na nasa paanan ng aking kama. Masiyadong malawak ang aking kwarto dahil mayroon itong mini sala at banyo.



“Are you okay? I think you had a nightmare,” kalmado niyang saad.



Hindi ko alam pero bigla na lang akong umiling. Ang bigat-bigat kasi sa dibdib ng panaginip ko parang hindi ko talaga kakayanin.



“Napanaginipan ko si ina,” umiiyak kong sabi.



“I’m sorry, I don’t understand,” nag-aalangan niyang sabi. “I’ll call your father.”



Napatulala na lang ako sa dingding nang mabilis siyang lumabas ng kwarto. Napanguso ako lalo. Dito pala sa bahay na ito ay walang makakaintindi sa akin kung hindi ang aking ama at si Thad lang.



Pero ang boyfriend ko ay dalawang araw ko nang hindi nakikita. Ni hindi nga tumatawag sa akin o ano. Hindi rin siya nag-oonline kaya hindi ko alam ang problema niya.



Kung may problema siya sa akin, edi sabihin niya kaagad! Hindi iyong ganito parang tanga talaga. Nakakainis siya! Nakakainis talaga. Dumagdag pa talaga sa problema ko.



Bumukas muli ang pintuan at pumasok ang aking ama. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko dahil doon. “Ama, napanaginipan ko si ina. Tuluyan na siyang umalis,” umiiyak kong sabi.



Lumapit siya sa akin at naupo. Naramdaman ko kaagad ang haplos niya sa aking buhok bago magsalita, “Hindi iyon mangyayari, anak. Mahahanap pa natin ang iyong ina. Mahahanap pa natin siya. Makakasama pa natin ang iyong ina.”



Umiiyak akong tumango sa kaniya. Pilit na iniintindi ang kaniyang sinasabi. Papaniwalaan ko ang kaniyang sinasabi kaysa sa panaginip ko. Mabigat lang sa pakiramdam dahil parang totoo siyang umalis na.



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon