25

696 15 1
                                    

Napatingin ako muli kay sir Samuel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin ako muli kay sir Samuel. Halong kaba, saya, at kung anu-ano pa ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kaniya. Nang tumulo ang mga luha niya sa kaniyang pisngi ay gano’n din ako.



“Anak, p’wede ka bang mayakap ni papa?” umiiyak niyang tanong sa akin.



Marahan akong tumango at hinayaan siyang yakapin ako. Parehas kaming naging emosyonal habang hagkan ang bawat isa. Hindi ako makapaniwala na nandito na si ama.



Na ang lalaking minsang inalagaan ako ay siya ang ama ko. Hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay nakalutang pa rin ako sa kaulapan dahil sa nangyayari.



“Anak,” umiiyak niyang sambit.



“P–papa, ang tagal ko na kayong hinahanap.”



Kaya pala ang bait niya sa akin. Kaya pala sinundan niya ako noon... Kaya pala. Kaya pala tuwing nakikita ko siya ay parang kakaiba ang koneksyon naming dalawa.



Iniharap niya ako at hinaplos ang buhok ko habang pinagmamasdan ang aking mukha. “Napakaganda mong bata. Kamukha mo talaga ang iyong ina,” aniya. “Hindi pa rin ba siya nakikita?”



Napayuko ako nang bahagya bago muling tumingin sa kaniya. “Hindi pa po, ama. Naniniwala pa rin po ako na buhay siya. Naniniwala ako na makikita ko pa rin siya na nakamulat at mamumuhay po tayong magkakasama.”



Tumango siya habang pinupunasan ang mga luha ko. “Oo naman. Ibabalik natin ang iyong ina sa mansion. Mamumuhay tayo nang matagal.”



Kahit na hindi ko pa alam ang nangyari noon sa kanila ay alam ko namang minahal ni ama si ina. Kitang-kita naman sa kaniyang mga mata ang pagka-miss sa aking ina. Malalaman ko rin ang katotohanan.




“Uwi na tayo, anak. Hinahanap ka nina farfar and farmor mo.”



Bahagyang kumunot ang aking noo. “Sino po sila?”



“Grandparents mo,” nakangiti niyang aniya.



Nakaramdam ako ng excitement. “Nakita na po sila?”




“Yes. They were moved to other place.”




“I think you should go, now,” rinig kong sabi ni King.



Tumingin sa kaniya ang aking ama bago muli akong tingnan. Hinaplos niya ang aking buhok bago muli ngumiti. “Let’s go home.”




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon