26

636 18 2
                                    

ZADA POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZADA POV

After I didn’t pass the board exam, pinili kong lumipad papuntang Sweden. Hindi ako nando’n para makalimot, nando’n ako para magtrabaho. Nahihiya na kasi ako sa mga umampon sa akin kung pati ang pagtira sa bahay nila after kong bumagsak ay hindi ko mabayaran.



Nang makarating ako sa Sweden ay maayos naman ang trato sa akin ng pinasukan ko. Ang mga Zolpario. They’re all kind and good. Lahat ng mga katulong nila rito ay hindi nila tinatrato na mababang uri.



Hindi alam ng pamilya ko na kasambahay ang naging trabaho ko rito dahil ayaw kong mahiya sila kapag may nagtanong. Ang alam nila ay magtuturo ako kahit na ang kurso ko naman talaga ay nursing.



“Our kids are already here,” sambit ng amo naming babae, siya si Adoracion Zolpario, isa siyang Filipina na nakapangasawa ng isang Swedish.



Pumasok ang tatlong lalaki at nakuha ng atensyon ko ang lalaking mas matangkad sa kanilang tatlo. He has this curly messy hair pero hindi iyon pangit tingnan dahil bumagay sa kaniya iyon lalo. Umaangat ang kaniyang itsura sa kanilang lahat.



Nang magtama ang tingin naming dalawa ay naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Napaiwas ako ng tingin mula sa kaniya.




Bigla naman akong kinalabit ng kasama ko. “Type mo?” tanong ni Kaela, isa rin sa mga kasamahan ko rito. Ang kaibahan namin, siya ay isang Thai-Fil.



Samantalang ako ay hindi ko alam ang pinanggalingan. Lahat ng nangyari sa akin no’ng bata pa ako ay kinalimutan ko na at hindi na kailanman inungkat pa.



“Hindi, ah,” tanggi ko kaagad.



Nakita kong nakipagbeso si Mrs. Adoracion sa kaniyang mga anak at isa-isa itong niyakap. Nagtama ang tingin namin ulit ng lalaki at hindi ko na maiwasan iyon dahil para akong napako sa kaniyang tingin.



Lumingon sa amin si Mrs. Zolpario. “Ladies, these are my children. The first one is Samvel...” Turo niya sa lalaking sa tingin ko ay nagugustuhan ko. “My second born is Sushasin,” pakilala niya sa katabi nitong babae. At ang ikahuli ay... “My favorite son—Severin.” Tumingin si Mrs. Zolpario sa kaniyang mga anak. “They are our new household helpers,” pakilala niya pagtukoy sa amin.



Ngumiti ako sa kanila. “Good afternoon, I am Zada Jaucian.”



“And I am Kaela Quilaganon,” pakilala ng katabi ko.



Lumapit kaagad sa amin si Sushasin at nakipagkamay habang ang kaniyang dalawang kapatid ay parang wala namang pakialam. Hindi naman na ako magtataka dahil isa sila sa mayayaman sa bansang ito.



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon