15

668 15 5
                                    

chapter 15 dedicated to:
Heart O.

Wala na kaming naging imikan hanggang sa makarating sa bahay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala na kaming naging imikan hanggang sa makarating sa bahay niya. Pagkapasok ay kaagad akong umakyat sa kwarto at isinara ang pintuan. Naupo ako sa gilid ng kama sa may sahig at niyakap ang aking mga tuhod.


Am I harsh?



Pero kasi ginagawa ko naman ‘to para kay ina, hindi ba? Kumikilos na ako dahil alam kong mahuhuli ako kung hindi pa ako gagalaw. Mawawala sa akin si ina kapag hindi pa ako nagsimula.



Napatingin ako sa cabinet kung nasaan ang mga gamit ko. Tumayo ako at nagtungo roon. Kinuha ko kaagad ang aking bag at hinanap ang envelope na binigay ni ina sa akin bago siya mawala.


Binuksan ko ang envelope at nakita ko ang mga papeles na inasikaso niya para sa akin sa pag-alis ko ng bansa.



Sa akin pala nakapangalan lahat. Sa pinakadulo ay may passbook doon at isang larawan ng isang lalaki na nasisiguro ko na aking ama. Ang larawan ay naka-staple sa isang sulat. Kinuha ko iyon at binasa.


Achi, anak

Kung sakaling may mangyaring masama sa akin ay humingi ka kaagad ng tulong sa alam mong mapagkakatiwalaan. ‘Wag lang sa mga pulis. Alam kong malungkot ka ngayon dahil wala ako sa tabi mo pero gusto kong mag-move forward ka sa buhay, anak. Maganda ang future mo. Kasama ng envelope na ito ang passbook mo para yan sa pag-aaral mo sa Maynila. Kakasya na siguro iyan anak hanggang sa 4th year mo dahil iyan lang ang kinaya ni ina.



Napatigil ako sa pagbabasa dahil naramdaman ko kaagad ang mga luhang lumandas sa aking pisngi at bigat ng aking pakiramdam. Ina...




Kapag naka-graduate ka na sa kursong gusto mo, kumuha ka ng passport mo anak. Nakadikit sa sulat na ito ang larawan ng iyong ama. Siya si Samvel Zolpario at nakatira sa Sweden. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero kung gusto mo siyang hanapin ay hahayaan kita. Ang masasabi ko lang ay umiwas ka sa mga Lesjaero lalong-lalo na sa mga Jadaroez. Alam kong malalaman at malalaman mo pa rin ang tungkol sa kanila pero sa ngayon ay ayoko munang isipin mo iyon dahil hindi naman mahalaga.

Anak, magpatuloy ka. Nandito palagi si ina para sa ‘yo. Hinding-hindi kita papabayaan. Lagi kitang pinagdadasal na sana maging maayos ang buhay mo. Alam kong madalas akong masungit sa ‘yo pero gusto lang kitang protektahan at hindi rin naman ako malambing na tao. Isa akong ampon kaya lahat ng taong nakapaligid sa akin ay may boundaries maliban na lang kay tiya mo. Pinagkakatiwalaan ko siya ng sobra kaya kapag na-miss mo ako ay alam kong makikita mo pa rin ako sa kaniya.

Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon