6

790 15 2
                                    

chapter 6 dedicated to:
Akira Desu

“Achi, gumising ka na!” sigaw ni ina mula sa labas ng kwarto at kinakatok nang husto ang pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Achi, gumising ka na!” sigaw ni ina mula sa labas ng kwarto at kinakatok nang husto ang pinto.


Mabilis akong bumangon at nagtungo sa pintuan bago buksan iyon. “Ina, alas-singko pa lang po,” inaantok ko pang sabi.


“Ayy hindi p’wede. Kailangan ng morning meal ng mga doctors dahil nag-order sila kagabi. Bilisan mo na,” aniya. “Kailangan bago mag-alas sais ay mai-deliver mo na roon.”



Para akong nagising bigla dahil sa sinabi ni ina. Mabilis akong ngumiti. “Mag-aasikaso na po.”



“Bilisan mo,” aniya bago tumalikod.



Mabilis kong sinara ang pintuan at inasikaso na kaagad ang higaan ko. Pagkatapos kong ligpitin iyon ay dumiretso na ako sa banyo at naligo na rin.



Nagbihis na rin ako at nagpatuyo ng buhok bago bumaba. Naabutan ko si ina na nagpa-pack na ng mga pagkain sa may small food container.


“Kumain ka na.”



“Ina, walang puto?” tanong ko.



“Wala muna. Pagka-deliver mo ay umuwi ka na kaagad. Sasamahan mo ako sa palengke bukas nang mas maaga dahil may pa-welcome party raw sa hospital. Tayo ang kinuha kaya kailangan kong magluto. Ipahinga muna natin ngayong araw,” paliwanag niya.



“Sige po, ina.”



Naupo na rin ako at kumain lang ako ng pandesal na sinawsaw sa kape para kahit papaano ay may laman ang tiyan ko. Babalik naman ako kaagad, eh.



Kaagad na inasikaso ni ina ang mga dadalhin ko sa likod ng motor ko. Sumakay na ako kaagad at nagsimula nang magmameho. 5 mins. lang naman ang biyahe at medyo mas mabilis pa nga dahil wala naman gaanong sasakyan dahil maaga pa.



Nang makarating ako sa hospital ay mahaba na ang pila sa waiting area para sa free check up. Ipinarking ko muna sa likuran ang motor ko bago ako pumunta sa may main entrance bitbit ang mga food container.



“Ayan na ba ‘yong inorder ng mga doctors?” tanong ni kuya guard.




“Opo, sir,” sagot ko kaagad.




“Oh, sige pasok ka na lang tapos akyat ka sa 2nd floor. Doon ang mga facilities ng mga doctors.”




“Thank you po.”




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon