3

937 21 2
                                    

chapter 3 dedicated to:
iheaxx

Nakita ko ang itsura ng mga residente— sobrang laki ng kanilang mga ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita ko ang itsura ng mga residente— sobrang laki ng kanilang mga ngiti. Dahil nga nasa liblib na ang kanilang araw at mahirap na puntahan ay hindi sila nakakababa sa bayan para magpa-check up.



Nakakataba ng puso dahil kahit na hikahos sila sa kanilang mga buhay rito sa itaas ay hindi maiikaila na sobrang genuine nilang tumanggap ng mga bisita.



Nagsimula na ang mga Doctor sa kanilang free check up. Kami naman ni Eliana ang naka-assign sa pagpapalista ng mga pangalan. Para lang mai-track kung ilan ang magpapa-check up ngayon.




Napatingin ako sa gilid ko nang makita si tiyo na may kausap na babae. Kitang-kita ang kislap sa kaniyang mga mata habang kinakausap niya ang babae. Mukhang siya nga ang nililigawan ni tiyo.



“Ineng, p’wede bang palagay na lang pangalan ng apo ko? Hindi kasi ako marunong sumulat.” Napatingin ako sa nagsalita. Isa siyang ginang na sa palagay ko ay nasa mid 50’s na.



“Opo. Ano po ba ang pangalan ng apo ninyo?” tanong ko at kinuha nang marahan ang ballpen mula sa kaniya.



Ngumiti siya sa akin. “Manuel Almazan,” aniya.



Nagsimula na akong magsulat. “Ano hong spelling ng Almazan niya, lelang?”



Kumunot ang kaniyang noo. “Ano ang spelling, ineng?”

Mukhang hindi rin nakapag-aral ang ginang. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya nang maayos. Ipinakita ko sa kaniya ang papel kung saan isinulat ko ang apelyido ng kaniyang apo.



“Ito po ba ang kaniyang apelyido?”



Marahan siyang napakamot sa kaniyang ulo. “Pasensya ka na, ineng. Hindi kasi ako nakababasa dahil hindi naman ako nakapag-aral. Ang alam kong gawin ay ang mga gawain sa bukid.”



“Ayos lang po, lelang...” Tumingin ako sa kaniyang apo na nasa kaniyang tabi. “Manuel, nakabasa ka ba?” tanong ko.



Kaagad siyang tumango. “Opo, manang.”



“Sige. Tama ba ang spelling ng iyong apelyido?”



Marahan naman siyang tumingin sa papel na hawak ko at tumango. “Opo, manang. Salamat po,” aniya.



Ibinigay ko na ang number niya. “Pila na po, lelang. Doon po sa kabila ang mga bata. Sa kabilang table naman po ang sa mga matatanda.”



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon