13

687 17 1
                                    

chapter 13 dedicated to:
Emelyn V.

‼️ DON'T SPOIL THIS CHAPTER ‼️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

‼️ DON'T SPOIL THIS CHAPTER ‼️

Nang makauwi kami sa bahay ni Thad ay kaagad akong nagpaalam na magpapahinga na sa taas. Kaagad akong dumiretso sa kwarto niya at naupo sa sahig sa may gilid ng kama.


Niyakap ko ang aking mga tuhod at nagsimula nang lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Kasabay no’n ay ang unti-unti kong paghikbi hanggang sa maramdaman kong unti-unting naninikip ang aking dibdib dahil sa pagka-miss ko kay ina.


“I–ina, nasaan ka na p–po? Babalik ka pa, hindi ba?” mabigat na emosyon kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana mula sa aking kinauupuan.


Kitang-kita roon ang bilog na bilog na buwan, mga bituing nagniningning at kalangitang walang kaulapan.


“I–ina, kung nasaan ka man ngayon ay sana nasa maayos kang l–lagay... Sana hindi ka nila pinapahirapan. K–kasama mo ba si tiya, ina?”


Narinig kong may kumatok sa pintuan kaya dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko. Pero hindi iyon tumigil sa pagdaloy sa aking pisngi.


Nilingon ko kaagad kung sino ang kumatok at nakita ko roon si Thad na malamyos ang mga matang nakatingin sa akin. Marahan siyang humakbang papunta sa akin at naupo sa aking tabi.


“You missed your mom?” tanong niya.


Nag-iwas ako ng tingin at tiningala muli ang buwan. “Yes. What I want right now is for her to be safe. I just want her to be out of danger...” I sighed deeply. “I hope she's okay.”


“I understand what you feel. It's really hard. Don't worry, we’ll do everything we can to find her. You’re not alone,” aniya.



Kaya napatingin ako sa kaniya. Nagtagpo ang tingin namin sa isa’t isa at hindi ko alam kung bakit lalo kong naramdaman ang luhang lumandas sa aking pisngi.



Bahagya siyang nagulat doon pero nang makabawi ay kaagad niyang inilapit ang kaniyang katawan at niyakap ako. Habang umiiyak ako sa kaniyang balikat ay siya namang naramdaman kong marahan niyang paghaplos sa aking buhok.




Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon