EPILOGUE

976 20 4
                                    

Almost a year later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Almost a year later...


I’m staring now at my 6-month-old baby girl. She’s giggling while eating some baby potatoes in her seat. Napangiti ako nang makita na nakuha niya ang kaniyang mga ngiti sa kaniyang ama.



Matapos ilibing si Thad, bumalik ako sa Zolpario mansion. Sa tuwing nakikita ko ang bahay namin, parang wala itong saysay dahil wala na ang haligi ng aming tahanan.


“You look like your father, Zavia,” nakangiti kong sabi sa kaniya at hinaplos ang kaniyang buhok.



Nang dumating si Zavia sa buhay ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kamukha niya ang kaniyang ama kaya tuwing nami-miss ko si Thad, palagi ko lang siyang pinagmamasdan. Lumalaki siya na malambing at palangiting bata. Sa kaniya ako humuhugot ng lakas sa araw-araw.



Matapos niyang kumain, kinarga ko na siya at dinala sa banyo para linisan. “'Wag malikot, baby,” sabi ko sa kaniya habang naglalaro siya sa tubig.




She’s babbling something while wagging her hands in the water. I carried her and covered her in a hooded towel.




Kaagad ko siyang dinala sa may kama. She suddenly sucked her fist and started babbling again. Pagkatapos ko siyang bihisan, kinarga ko ulit siya at saka bumaba.

Dadalawin namin ang kaniyang ama sa puntod nito. Nagpasama lang ako sa isang maid para magbantay kay Zavia, baka mag-breakdown na naman ako mamaya.



Ako ang nagmaneho ng kotse habang ang maid at si Zavia ay nasa likuran. Mabilis din naman kaming nakarating sa sementeryo.



Bitbit ko ang anak ko habang si Ate Daya naman ang may dala ng mga kandila, bulaklak, at pagkain namin.



Kaagad kaming nagtungo sa maliit na bahay kung saan nakalibing si Thad. Abo na lang ang inilibing sa kaniya dahil hindi na makilala ang kaniyang katawan.



Naupo ako sa harapan ng puntod at inayos ang pagkakaupo ni Zavia sa hita ko.

Nang masindihan na ang mga kandila, lumabas muna si Ate Daya para mabigyan daw ako ng oras, pero hindi siya lalayo at baka may mangyari.




“Zavia, siya ang papa mo. Sayang lang at hindi mo siya nakilala. Hindi bale, sa susunod makikilala mo naman siya sa pamamagitan ng mga pictures namin...” Hinaplos ko ang kaniyang buhok. “Mahal na mahal ka ng ama mo. Excited siyang makita ka, anak. Ipaparamdam ko sa ‘yo kung paano magmahal ang iyong ama.”



Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon