6: Secret

13 7 0
                                    


Hindi ko tinapos ang story na ginawa ko ,4 months na kahit malapit nang matapos iyon ay nag pasya akong gumawa ulit ng bago at sa pag kakataong ito ay gusto kong isulat ang kwento ng buhay ko simula ngayon hanggang sa mamatay ako. 

Gusto kong lahat ng mga readers ko alam nila ang halaga ng buhay dahil late ko nang na realize yon.

'Tama ang sinasabi nilang don mo lang ma pahahalagahan ang buhay mo kapag malapit kanang mamatay.'

Siguro nga panahon na para palayain ko ang sarili kong naka kulong nang ilang taon sa pag tatrabaho.

Sa tutuo lang hindi ko alam ang gagawin ko simula bukas pero gagawin ko ang best ko para ma buhay ng masaya at mamatay ng maluwag sa puso ko...

Pero napa isip din ako kong pwede kayang kasabay ng pag kamatay ko sa araw nayon ay ang pag-guho ng mundong ito.

Habang nag ta-type ako ay hindi ko ma iwasang mapa luha sa mga na iisip ko, tutuong hindi ko alam ang gusto kong gawin simula bukas pero gagawin ko ang lahat.

Gusto kong mamamatay akong bukal sa luob ko at may alaalang dadalhin sa kabilang buhay kong meron man.

{Paano kong magugunaw na ang mundo, ano kayang feeling nang ganon.

Kong matapos na ang mundo?

Ano bang itsura non, kapag sa tutuong buhay nangyari ang ganon?

Paano kong wala nang mga tao ang nandito sa mundong to?

Ano nang mang yayari pag ganon?

Ano kaya kong wala akong sakit, at wala akong na tuklasan?

Ano naman kong wala akong gagawin?

Pano kong mag aantay nalang ako sa pagkamatay ko, yong tipong wala akong gagawin sa three month's ko dito sa mundo kong hindi ang mag hintay sa araw ng kamatayan ko?

Curious ako sa mga bagay pero na tatakot ako...

Sa tutuo lang pagod na ako, pagod na pagud na ko yong tipong gusto ko nang wakasan ang buhay ko

Ngayon na...}

Tinigil ko muna ang pag susulat dahil hindi kinaya ng mga kamay kong nanginginig na sa takot at galit, nag hahalo lahat ng emosyon ko.

Sinikap kong hindi maka gawa ng ingay kahit papano, masyadong ma bigat ang dibdib ko ngayon kaya hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko.

Pumunta ako sa kama ko saka humiga nag takip ako ng kumot saka niyakap ang unan ko hanggang sa naka tulog nako.

Tanghali nako na gising kaya mabilis kong inayos ang higaan ko saka tinignan ang oras it's almost 11am na pala.

Nag check ako kong may tawag ba o text message na importante saka ako lumabas ng kwarto ko.

Nadatnan kong nag babasa ng magazine ang lalaking naka upo sa sofa sa sala ng bahay ko, tutuk na tutuk ito sa binabasa niya, kaya hindi niya na pansing naka tingin ako sa kanya.

Dumiretso nalang ako sa kusina saka nag timpla ng kape, bumalik ako sa taas pero sa study room ako dumiretso dahil mag sisimula na naman ako sa trabaho ko.

Aasta sana akong pupunta na sa taas ng biglang kong na isipang mag tanong.

"Kumain kana?"

"Hindi ako kumakain"

"Nakalimutan kong hindi ka pala tao" agad naman siyang napa tingin ng masama sakin kaya umismid lang ako saka nag pa tuloy sa taas dahil gagawa nako ng story.

Nasa kalagitnaan ako ng storing ginawa ko ng biglang na ubusan ako ng isusulat.

'Kaylangan ko ng inspiration' napa isip naman ako sa mga katang yon.

Habang nag iisip biglang nag ring ang phone ko kaya tinignan ko kong sinu ang tumawag. nag pop up naman agad ang pangalan ni ella kaya sinagut ko.

{Ohh?}

{Pwede mo ba akong puntahan}

{Bakit nasan ka ba}

{Nasa tapat ng bar ni Elexis }

{Anong ginagawa mo dyan? teka nag lalasing kaba?}

{Hindi, basta puntahan mona ako ngayon}

{Cge*} pag kasabi ko agad niya namang in-off ang linya kaya napa irap na naman ako sa kawalan.

'Bakit ba walang galang ang mga tao sa paligid ko'

Tamad akong tumayo saka nag bihis, ng matapos ay agad akong umalis.

Hinanap pa ng mga mata ko kong naasaan ang taong yon. ng walang makita ay agad akong lumabas ng bahay, sakto naman ang pag labas ko ng lumingon ako ng hindi sadya sa bahay para sana tignan ang sumisikat na araw.

Laglag ang panga kong tinignan ang lalaking nasa itaas ng bahay ko na naka upo at naninigarilyo, mukhang hilig niya ang matataas na palapag dahil masyadong malaki ang bahay ko at na paka taas nito.

Kong ako ang nasa kinauupoan niya malamang na naka-ihi nako sa takot na baka malaglag ako.

"Saan naman ang punta mo?" biglang sabi niya sa taas ng bubung. sakto naman ang boses niya at na rinig ko pa.

"May pupuntahan lang" hindi na siya umimik pa saka binalik ang tingin sa tinitignan niya, ano naman kaya yon.

"Bumalik ka agad may pag uusapan tayo"

"Tungkol saan?" agad kong tanong.

"Mamaya na" hindi ko na siya sinagot at agad nakong lumabas ng gate.

Nakalimutan kong mag dala ng sasakyan since para akong may hinahabol sa bilis kong mag ayos dahil sa pag aalala kay ella.

Pumara ako nang taxi sa may kanto pag labas ng Village nato saka sinabi ang pangalan ng bar ni Elexis masyado kasing sikat ang bar niya kaya hindi nako nahirapan pang ituro ang daan pa punta duon. ilang saglit lang din ang byahe kaya naka rating nadin sa wakas.

Lumabas ako ng taxi matapos kong mag bayad ng pamasahi, saka ko nilibot ang paningin sa palibot ng lugar nato. agad niya akong kinawayan kaya nakita ko agad siya agad akong lumapit sa kanya.

"Bakit? may nagyari ba?" salubong kong tanong sa kanya.

"May sasabihin ka ba" agad niya namang tanong sakin kaya na lilito ako.

"Wala, ikaw kaya tong nag ayang maki pag kita"

"Yes I'am but, do you have something to say? makikinig ako sayo el" sabi niya na may malungkot na tingin kaya kinutuban nako don.

'Di kaya, alam niya na?'

"I don't have anything to say" agad kong sabi saka umupo sa bench na malapit samin.

"Your selfish Anne." walang imosyon niyang sabi kaya napatitig ako sa kanya.

Naka tingin lang siya sa daan saka ma lungkot malungkot itong naka tulala kaya na saktan ako sa sinabi niyang yon.

"Bakit naman?" pahinang pahina ang boses kong sabi. hindi parin siya tumutingin sakin, naka tulala lang siya sa kawalan.


Trail the SelenophileWhere stories live. Discover now