26: Scandal

10 6 0
                                    


Taas noong nag lakad ako papunta sa harap nila para ma upo sa upoan ko.

Hindi ko alam kong saan patungo ang usapang ito pero masama ang kutob ko dahil kong titigan nila ako ay para bang nanghihinayang at parang hinuhusgahan nila ako sa mga isip nila.

Nabigla ako sapag-bukas ng projector at kasabay ng pag-patay ng ilaw lumitaw ang isang litratong hindi ko inaasahan.

Hindi ko alam ang sasabihin. Pinag masdan ko ang litrato na iyon.

Naka patong ako kay Flynn habang naka ngisi at tinitigan pa siya.

"My god nakakahiya sa mga tao ang ginagawa ng president natin!" biglang sabi ng ilang myembro nang companya. Naririnig ko ang mga sinasabi

Nila, pero nanatili parin ang mga mata ko sa malaking screen, pinag mamasdan ang litrato namin. Naalala ko pa ang mga nangyari pero hindi ko inaasahang lalabas ito sa publiko.

Marami ang na kunang litrato hanggang sa isang litrato ang nag pagulat sakin.

Hinalikan ko si Flynn.

"Yan baa ng anak ng late president laura? Ibang iba sa nanay!" walang pag dadalawang lumabas mula sa mga mata ko ang luha dahilan para mapatingin ako sa babaeng nag sasalita patungkol sakin. Inis ko namang pinahid ang luha saka pinandilitan siya sa mata. 

Nakabalik na siya galing sa Canada. Si edward naman ay naiwan sa canada dahil hindi pa tapos ang business deal with the new project. Siya ang nag papatakbo sa ibang department which is the foundation Building. 

"Wala ka talagang galang na bata ka! Kagaya karin ng iyong ina!" sigaw ni tita ellen kaya tumahimik ang kaninang ma ingay na mga tao sa loob ng office nato.

"Wala kang karapatang siraan ang mommy ko." sabi ko.

"Abat nag sasalita ka pa. kong ako sayo umatras kana, wala ka namang karapatan sa posisyon na iyan!"

"Bakit? Ikaw ba meron?" pabalang na sagot ko.

"Tingnan ninyong mabuti ang anak nang pinaka mamahal ninyong press. Laura, ganyan ba ang gusto ninyong maging president at maging chairman!?" hindi siya naka tiis dala ng galit niya ay tumayo siya at dinuro ako.

"Kahit anong gawin natin ay anak parin siya ng dating president."

"Pero dahil sa kanya nasisira ang image natin sa publiko" sabat naman ng ilan.

"Normal sa kabataan ang mag lasing dala ng stress sa buhay nila."

"Pero makaka-tulong din ba ito sa kompanya natin?"

"wala namang perpekto-"

"katahimikan!" sigaw ni tita ell.

"Ano!? Matigas ka parin ba? Tignan mo ang paligid mo naaapektohan kaming lahat na myebro mo!"

Hindi ako naka imik, bagkos ay nilibot ko ang paningin sakanila.

Kahit hindi sila mag sasalita ay alalm kong sa isip nila hinuhusgahan na ako.

"Kakayanin moba ang mga skandalo ng mga tao sayo?" nakangising tanong ni tita sakin.

"Tingnan mo ang social media at ngayon mo sabihin kong kaya mo ba!"

Nanginginig ang kamay ko sagalit ngunit wala akong magwa. Binuksan ko ang

Cellphone ko saka binasa ang mga article's na patungkol sakin. Nakita ko ang mga comment nila may videos pa pala, akala ko naman pictures lang.

Nag- scroll pako hanggang sa hindi ko na kinaya ang pag babasa ng masasakit na sinabi nila tungkul sakin.

"Esxcuse me." Yun lang ang tangi kong nasabi saka umalis sa harapan nilangh lahat.

Hindi ko alam kong saan ako dinala ng mga paa ko. Tumatagos sa balat ko ang init ng panahon pero kahit ganon mas nasasaktan parin ang puso ko.

Parang pinipiga ito ng dahan dahan, ilang oras nakong nag palakad lakad hanggang sa napadpad ako sa seawall.

Ito ang lugar na pinupuntahan ko kapag gusto kong lumayo sa mundo.

Nag palakad lakad ako sa gilid at inaamoy ang simoy nang hangin sa dagat.

Patuloy parin sapag luha ang mga mata ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng hinuhusgahan ka ng mga tao ng wala man lang Explanation. Ang sakit isiping mismong pamilya mo ang kalaban mo. 

Dapat nga Sila pa yong comfort mo dahil pamilya mo pero sila pa ang naninira sayo sa ibang tao. Ansakit mabuhay sa mundong napapalibutan ka ng mga taong ayaw sayo.

Kasalanan ko bang pinanganak ako? Ano bang nagawa ko sa kanila at ganito nila ako ka ayaw? Bakit ba nabuhay pako sa mundong to? May nagawa bakong mali?

Bakit?

Wala sa sariling napa upo ako sa may bench. patuloy parin sapag iyak parang walang balak huminto ang mga luha ko sapag labas. Maraming tanong ang gusto kong e tanong sa may kapal kong bakit sa damirami ng tao sa mundo, bakit ako pa? Anong nagawa ko?

"Anong kasalanan ko!?" sigaw ko habang umiiyak at pinag masdan ang araw na papalubog na.

Parang mabibiyak ang puso ko. Gusto ko nalang matulog at hindi na muling magising pa.

Yon lang ang hiling ko ngayon. Bakit?

Mas matatanggap ko pang laiitin ako ng ibang tao pero bakit sa lahat ng manlalait sakin e Pamilya ko pa? mula pagkabata ko hindi ko naramdamang naging importante ako kay Tita ellen wala akong sapat na dahilan para kasuklaman niya ako. 

Malakas ang luob kong kalabanin siya pero kahit ganon, she's still my auntie, she's my mother's sister.

10pm na nang gabi nag order ako ng alcohol. At nandito parin ako sa seawall umiinom.

Alam kong lasing nako pero wala pakong ganang umuwi iniinjoy ko ang simoy nang hangin mula sa dagat, pinag mamasdan ang lakas ng alon.

"Ahhhh!" wala akong masabi tanging gusto ko lang ay ilabas lahat ng sakit na naramdaman ko.

Tinungga ko ang isang bote hanggang san a ubos.

Tinignan ko ang bote ng alak na naubos ko.

"Hahaha hindi ko alam na limang bote napala." Wala sa sariling sabi ko.

Nag pasya nakong umuwi kaya tumayo nako saka naglakad papuntang highway para mag hintay nang taxi dahil uuwi nako. 

Ng makarating sa highway agad akong akong tumawid sa may pedestrian line nang biglang may malakas na busina nang isang sasakyan, sakto naman ang pag lingon ko ng isang bus ang na kita kong may malakas na busina at nakakasilaw na ilaw nito. Nawalan ako ng lakas at parang nag paraya ang isip ko kaya pinikit ko ang mga mata ko saka hinintay ang pag dikit ng sasakyan katawan ko. 

Tumugil ang paligid pati ang oras at ang pag patak ng tubig ay tumugil at tanging kaming dalawa lang ang gumagalaw.

Bago ako mawalan ng malay ngumiti ako sa kanya at don kumalma ang aking puso't isipan.

Ngayon ko lang na alalang may kakampi ako sa lahat ng laban ko. Bago nawalan ng paningin naramdaman kong mabilis akong nasalo ni Flynn sa mga kamay niya.

Alam kong ligtas ako sa mga kamay niya.

Trail the SelenophileWhere stories live. Discover now