3: Fate

18 9 0
                                    


Ilang sandali lang ang hinintay ko ng makita ko si ella na papalapit sa akin kaya kinawayan ko siyang naka ngiti.

"Hi?" agad kong bati sa kanya

"Saan ka ba kagabi?" sabi niya habang tutok sa akin kaya mas natawa pako ron.

"Sa bar nila Elexis" sabi ko naman pabalik habang ngumungiti padin namis ko lang siya.

"Ano bang nangyari sayo? alam mo bang nag aalala ako kagabi dahil biglang pumunta si edward sa bahay at hinahanap ka?" sabi niya na parang sasapakin nako ano mang oras kaya natawa nalang ako.

"Hayaan mo na." sagot ko sa kanya.

"Bakit nga, kilala kita alam kong may dahilan ang pag inom mo, pwede mo naman akong tawagan para may kasama ka!"

"Wag na natin e topic pa!"

"Ano bang balak mo ngayon?" direktang sabi niya sakin.

"Hindi ko alam."

"Gusto kong maparusahan ang may gawa sa pamilya ko."

Saglit pa kaming nag kwentuhan, at iniisip kong pano ako mananalo.

***

Tapos nako sa trabaho ko ngayon kaya pa uwi nako. Hindi parin nawala sa isip ko ang pag uusap namin kanina ni ella.

Sangayon si tita, ang bestfriend at pinag-kakatiwalaan ni mommy ang chairman nang companya namin.

Wala sa sariling nag lalakad ako sa daan hanggang maka rating sa may pedestrian lane.

Isang hakbang nalang ang gagawin ko ng biglang may sasakyang papunta sa gawi ko.

Kaya nataranta ako at hindi alam ang gagawin ng biglang may humawak sa kamay ko at pinaikot ako papaharap sa kanya.

Parang nag slow-motion ang lahat sa paligid pati ang pag takbo ng mga sasakyan ay bumabagal din.

Ng mabalik ako sa realidad, agad akong lumayo at tinulak siya saka umayos ng tayo.

"Tingnan mo kong dipako umabot baka nasa hospital kana ngayon"

"Bakit kaba nandito?" inis na sabi ko.

"Para kamustahin ka, ano na?" parang batang sabi niya.

Sandaling nagkatitigan kami, hindi ko alam kong san ko nakuha ang mga tanong sa isip ko.

"May itatanong ako sayo..."

"Anong mang yayari kapag hindi ako nag wish, kasi hindi naman yon sadya ehh" sabi ko na tinaasan pa siya ng kilay.

"Tsss, ikaw ang pinili kong tuparin ang hiling mo kaya kaylangan kaylangan ko ang iyong pag sang-ayon at ang dugo." sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sakin.

"May ibang mamamatay. imbis na ikaw, ang mahal mo ang mamamatay" dugtung niya.

"Ano!" napahinto ako sa pag lalakad saka galit na galit akong tumingin sa kanya.

"Ililipat ko ang kamatayan sa mahal mo" sabi niya.

"Ano!? Wala akong natandaan nag okay ako sayo!"na iiyak na sabi ko.

"I choose you, so it's automatic "his smirking while looking at me.

Aalis na sana ako sa lugar nato ng biglang nawala ang lahat ng tao sa lugar at tanging kaming dalawa lang sa isat-isa ang naka tayo

Kanina ay nasa gilid ako nang daan, ngayoy nasa gitna ako nang kalsada at hindi maka galaw. Hindi ko alam pero parang lumakas ang tibok nang puso.

Pinigilan kong itago ang takot at nanatiling naka titig sa kanya. Nilingon ko ang pinag mulan nang liwanag na yon at nakita ang isang malaking sasakyan na papunta sa gawi ko kaya napa pikit akopinigilan ang nag babadyang luha.

"Okay, I'll give you a chance, What can you do now? faster... or some of your loved ones will die. " he said it directly into my eyes, then smirking at me.

"Ano ba!" tuluyan na ngang lumabas ang luha mula sa mga mata ko.

"Pag isipan mo, lahat ng nakukuha mo sa buhay ay galing yan sa mga nawala."

"Sabihin mo kong bakit pa naging ako!" wala sa sariling sabi ko.

"Tadhana, malupit ang tadhana sa lahat" matapos niyang sabihin iyon ay agad nag balik sa realidad ang lahat ng nasa paligid

Biglang nawala ang ang malaking sasakyan. Naramdaman kong wala nang malakas na pwersa ang pumipigil sa aking mga paa.

Agad akong lumapit sa kanya, at walang pag aalinlangan ko siyang sinintok pa kaliwa kaya may dugo akong nakita sa mga labi niya ngunit agad itong.

"Hayop ka!" pag didiin ko sa salitang yon.

"Maraming beses ko nangnarinig yan, ikaw ang ikaw ang may kaylangan sa akin at ako naman ang tutupad sa hiling mo, pareho lang tayo ng gustong mangyari" matapos niyang sabihin yon ay agad na siyang nawala sa paningin ko.

Hindi ko mapigilan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko habang inaalala ang mga nangyari sakin ngayon, gusto ko nalang pumatay bigla!

***

Nandito ako ngayon sa kwarto pinag mamasdan ang calendaryong nilagyan ko ng pulang linya, ang araw na mamamatay nako ng biglang may nag door bell kaya bumaba ako para silipin yon.

Nakita ko si edward sa may gate, at habang tinitignan ko siyang nag iitany sakin sa labas, agad ko namang na alala ang sinabi niya kaya tumulo ang luha ko.

Pinag masdan ko sandali si edward bago ko in-off ang lahat ng ilaw sa bahay, yon kasi ang lagi kong ginagawa pag nandito siya sa bahay ko.

Lagi ko siyang pinapatayan ng ilaw kahit kakadating niya lang, yon ang palatandaan ko saknya na ayaw ko siyang makita at lahat.

Sumilip ulit ako sa bintana habang pinupunasan ang mukha kong kanina pa basa ng luha.

Ng masigurado kong naka alis na siya agad akong pumunta sa study room ko, umopo ako at binuklat ang note pad kong kulay gray.

'Ganitong pages lang ang kaya kong punuin, sa mga dramang napapanuod ko inaayos nila ang buhay nila sa natitirang araw nila sa mundong to.'

' tanging ang sarili ko lang ang meron ako'

Trail the SelenophileWhere stories live. Discover now