19: Meet the Grim reaper

13 7 0
                                        


Ella's P.O.V.

Habang nag lalakad may na daanan akong isang lola na nag titinda ng mga palamuti sa buhok at mga accessories, naagaw ng paningin ko ang isang kwintas na hugis puso ngunit mag kulay itong pula na parang dugong na tuyo duon.

Nilapitan ko ang bagay nayon saka pinag masdan ang kulay gintong kwintas, na gustohan ko ang bagay nayon kahit na nadungisan ito.

"Magkano po lola?" tanong ko sa matandang nag bebenta.

"Libre nayan ija" sabi niya ng naka ngiti kaya ngumiti din ako.

"Ayy nako babayaran ko nalang po, nakakahiya naman"

"Wag na regalo ko nalang sa iyo, masyado kang maganda kaya bagay sa iyo yan"

"Salamat po ng marami" nahihiyang ngumiti ako sa matanda saka aktong kukunin ko na to ng may kukuha sana kaya na unahan ko siya.

"Ako ang na una" pag tataray ko sa lalaking kukunin sana ang kwintas.

Inirapan ko naman siya saka humarap ulit sa matanda.

"Maraming salamat po ulit lola, una napo ako" kumakaway ako habang naka

Ngiti kay lolang nag titinda saka umalis na habang napapansin ko parin ang lalaking naka tingin sakin.

Palipat lipat ang tingin niya sa kwentas na hawak ko saka saakin kaya binaliwala ko na iyon.

Nakangiti nako ngayon habang nag-lalakad at tinitignan ang kwintas na binigay sakin ng lolang nag titinda. kanina ay malungkot ako pero ngayon ay masaya na dahil sa kwentas na ito.

Hindi ko alam kong bakit masaya ako sa tuwing titignan ko ang kwentas na ito saka gumagaan ang pakiramdam ko.

Gustong gusto ko ang kulay ginto dahil yon ang favorite color ko saka ang hugis puso, hindi naman ako mahilig sa mga love-love na yan pero gusto ko ang hugis nito sa hindi malamang dahilan.

Habang pinag mamasdan ang kwintas may napansin ako sa gilid ng hugis pusong pendant na may nakalagay na pangalan kaya binasa ko iyon.

"Cassandra" wala sa sriling banggit ko sa pangalang naka ukit sa gilid ng pendant.

Sino kaya si Cassandra? kapangalan ko pa. nag kataon lang ba?

Hinawakan ko ang mantsa nito, hindi ako nag kakamaling isa itong dugong na tuyo sa kwintas, dahil sa kulay nitong pula na parang na ngingitim na sa tagal nito.

Kitang-kita ang ka lumaan sa desenyo nito kaya alam kong nasa mga 90's pa ang bagay na ito pero napaka kintab niya na animoy walang gasgas pag sa malayo tignan, pero kapag sa malapitan ma papansin talaga ang dungis nito at ang naka ukit na pangalan.

Kinikilabotan ako sa twing mapa-isip na dugo nga ang nasa pendant nito.

Ngunit sumasaya din sa twing mapapa tingin ako sa kwintas.

Tilana mimiss ito ng aking leeg kaya sinuot kona.

Naka rating nako sa bahay, Agad akong pumunta sa C.R.

Nag half bath lang ako saka nag bihis ng pang tulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

***

"Cassandra..."

Hindi nako nagugulat sa mga panaginip ko dahil simula bata pako lagi nakong nananaginip nang wierd.

Na alimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kaya nasisilawan ako, dahan-dahan akong bumangon saka nag inat ng katawan at tumayo na.

Saka inayos ang kamang ma gulo dahil sa tulog ko. masyadong masarap ang tulog ko kaya wala akong panaginip pero may boses akong na dinig na siyang dahilan kong bakit ako nagising.

Ng matapos ako sa ginagawa ko ay agad akong naligo at nag bihis Friday ngayon kaya hindi muna ako papasok. Wala akong paki alam sa mang yayari sa lunes kapag nalaman nilang hundi ako pumasok.

Gusto kong kamustahin si Anne. masaya akong nag handa ng almusal sa kitchen namin habang si manang na sa labas at nag sampay ng mga nilabhan niya.

"Manang reta hali napo kayo kakain na tayo" pag aaya ko kay manang.

"Cge ija ma una kana, tatapusin ko lang ito" sabi niya saka bumalik sa pag sasampay kaming dalawa lang ang mag kasama hanggang sa lumaki ako.

Pinag katiwala nila mama at papa ako kay manang reta. Mahigit 30 years na din siyang naninilbihan sa aming pamilya kaya parang lola ko narin siya.

Siya pa nga itong nag bibigay advice at pinag sasabihan ako ng mga dapat gawin, pati sila mama at papa ay pinag sasabihan niya din para siyang lola ko.

Ng matapos ako sa pagkain ay nag pasya akong mag bihis at mag mall muna iimbitahan ko nga sana ang dalawa kaso alam kong ayaw nila sa napakaraming tao at maingay na lugar.

May sasakyan man ako ay hindi ko ito ginagamit, mas pipiliin kong mag lakad-lakad dahil ito ang comforter ko, isapa ayaw kong gamiting ang sasakyang hindi ko pinag paguran.

Kahit nga ang bahay ehh...

Gusto kong umalis sa pamamahay nayan at ma muhay ng mag isa, dahil iyan ang dahilan kong bakit malayo ang luob ko sa parents ko.

Akala siguro nila gusto kong maging mayaman kami kaya sila nag papayaman, alam ko namang ginagawa nila ang lahat para ibigay ang gusto ko pero parang nakalimutan ata nilang may anak sila.

Natawa ako sa pag-iisip na yon kaya minabuti kong ituon ang pansin sa pag lalakad ng biglang may lalaking humablot sa kwintas na suot ko.

Wala sa sariling hinabol ko ang lalaking yon.

"Hoyyy!"nang gagalaiting sigaw ko na dinuro pa siya habang hinahabol.

"Hoyyy pigilan niyo siya!" sigaw ko sa mga taong na sa unahan, at imbis na tumulong ay nag si tabihan naman ang mga kumag.

"Hoyyy tigil sabi!" halos ma paos nako sa kakasigaw pero walang nang yari.

"I said stop!" malakas at umaalingaw ngaw sa daan ang boses ko parang ma puputol na nga ang ugat sa lalamunan ko naparang ginigilitan ang leeg ko,

Mukha nakong manok na gigilitan ng leeg para ma ihaw.

Mabuti nalang at huminto ito di kalayuan sa akin, habol habol ko ang hiningang tumigil sa pag takbo saka hinawakan ang tuhod kong napagod kaka takbo. Hinarap ko ang lalaking kumuha sa kwintas ko.

"Akin ang kunuha mong~" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may na pansin akong kakaiba sa kanya..

Kinawayan ko siya gamit ang kaliwa kong braso, napansin kong hindi ito gumalaw saka hindi rin nag salita. Hindi rin kumukurap ang mga mata niya kaya nag taka ako. Don ko lang na pansing parang ang tahimik ng paligid kaya nilibot ko ang tingin.

Nag si tayuan lahat ng balahibo sa katawan ko ng ma realize na lahat ng nasa paligid ay huminto, ang eroplanong nasa kalangitan, ang mga ibong lumilipad,

Mga sasakyang nasa gitna ng kalsada, at pati mga taong umiinom ng mainit na kape ay hindi gumagalaw, kahit nga ang mga usok sa mga karenderya sa gilid ng daan ay hindi gumalaw, tila buong mundo ang hindi gumagalaw ngayon.

Trail the SelenophileStories to obsess over. Discover now