CHAPTER 1

398 37 21
                                    

" Alagaan at bantayan ang kuya mo ha, Isumbong mo saakin kapag nakita mo na namang umiinom. lintik makakatikim talaga sa'kin 'yan pagnakauwi akong Pinas."

" Opo Ma, Huwag ka mag-alala binabantayan ko po si kuya," sagot ko sa kabilang linya.

Ngayon ko na lang natawagan at nakausap si Mama dahil busy ito sa trabaho sa ibang bansa at mahigpit daw ang amo niya kaya paminsan minsan lang sya pinapayagang tumawag dito sa Pinas. Hindi naman makaalis si Mama sa pinagtatrabahuhan niya dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral ng Medicina sa dubai habang nagtatrabaho pangpadala dito saamin sa Pinas. 9 years old palang ako ng mamatay ang Papa ko dahilan para mabaon kami sa utang.

10 years old ako noong pumunta sya ng ibang bansa habang ako ay naiwan sa bahay kasama ang nag-iisa kong kapatid at panganay, si kuya Samuel. Mas matanda sya saakin ng tatlong taon  pero...

mas mukha pa akong matured kesa sa kaniya!

Pagkababa ng tawag ay nagtungo na ako sa sala para ligpitin ang mga paperwork na nakakalat. Last year na namin sa High school ngayon at ilang buwan na lang ay pipili na kami kung anong strand ang kukunin sa Senior high school.

"Sab!" Tawag ni kuya Samuel sa akin galing sa taas.

" Po!" sigaw ko pabalik habang abala parin sa pagliligpit ng mga gamit ko na nakakalat sa lapag.

" Nakita mo ba 'yung boxer ko na calvin klien?" Tanong niya habang pababa ng hagdan.

Masama ko itong tiningnan.

Anong gagawin ko sa boxer niya?

" Kadiri ka kuya anong gagawin ko sa boxer mo," Iritable kong sagot bago kunin ang pink bag na nasa sofa, tumawa lang ito.

" Nagtatanong lang. saka ikaw naglaba kahapon diba? Nasama ata yung boxer sa short ko na nilabhan mo," sagot niya pabalik habang nasa harapan ng ref naghahanap ng kung anong makakain.

" Wala akong nakita—Oy! Akin yan!" sigaw ko patungo sa kusina at agad na inagaw sa kaniya 'yung mango tapiocca na galing pa kila tita Kyla.

" Hingi lang kunti Sab, damot mo!" Sinamaan ko ito ng tingin ng hindi ko sakaniya maabot ang Tupper ware na lalagyan ng dessert. Hinayaan ko nalang dahil binalik niya din naman pagkatapos kumuha ng kaunti.

" Aalis pala ako doon ka muna kila Kian mamaya," Biglang sabi nito habang abala sa pagubos ng dessert na kinakain niya.

Kumunot ang noo ko at nilapitan sya.

Aalis?

Nanaman?

" Saan naman punta mo?" Taas kilay na tanong ko sa kaniya. Kahapon ay umalis din sya kaya kila tita kyla ako natulog.

" to the moon—aray!" pagbibiro nito dahilan para hampasin ko ang ulo nito ng mahina.

Wala naman siyang pasok ngayon dahil Sunday kaya tiyak na sa galaan na naman punta nito or kila..

" Kila Belle, sab. Today lang free time niya kaya lalabas kami. Uuwi din agad ako. Susunduin nalang kita kila kian mamayang gabi sige na," Ngumiti pa ang gaga.

Wala din  naman akong magagawa kung kasama niya si Ate belle. Mas okay na iyon kesa kasama niya na naman mga tropa niya na wala ng ibang ginawa kung hindi ang uminom. Pagkatapos ni kuya mag-ayos ay inihatid niya na ako sa bahay nila tita kyla.



****

" Sabrina saglit!" Tawa ako ng tawa habang tumatakbo palabas ng bahay nila Kian. Kanina pa sya inuutusan ni ate Jellian pero mas pinili niyang manood ng cartoon movie sa sala kasama ako. Ayan tuloy, hindi pinapaalis ni ate Jellian.


Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now