CHAPTER 18

245 32 2
                                    



" Cut! Sabrina what's wrong with you! Hindi mo ba pinag-aralan ang script mo? Nakakailang take na and you are wasting everybody's time already!" Malakas na sigaw ni direk sa speaker.

" I'm s-sorry direk." Mahinang sambit ko hindi ko na malayang tumutulo na naman pala ang luha ko. Kasalukuyan akong nasa set para sa bago naming project ni tristan. Ilang beses akong nagkakamali o kaya naman ay bigla bigla na lang akong natigigilan sa kalagitnaan nito kaya naman naiintindihan ko ang galit na akin ng direktor.

" Gives us 10 minutes break direk.. Let us talk in private...sab let's go.." Saad ni tristan at dali dali akong hinila papasok ng tent.

" S-sab anong nangyare—" Akmang lalapitan ako ni mia pagkapasok namin ng tent pero pinalabas ito ni tristan.

" Labas ka muna mia..let us talk very quickly.." saad nito kay Mia at pagkatapos ay lumapit ito sa akin.

" Look. I don't know what's going on you right now but you have to be professional sab..." panimula nito bago ako bigyan ng tissue na galing sa table.

" Sorry tristan but I'm trying... " maikling sabi ko dito.

" We can't cancel this shoot now...malapit ng matapos sab so fixed yourself and let's finish this so you can go home na and rest.." Saad pa nito. Agad na akong tumayo at inayos ang sarili.

Tama siya. Kailangan kong maging professional. Hindi pwedeng masayang ang mga pinaghirapan ng team at ng mga staff ng dahil lang sa hindi ako okay.

Lumipas ang ilang buwan ay napagdesisyunan kong lumipat ng condo. Si Kuya Samuel ay pumuntang ibang bansa kasama si ate belle at doon na daw sila titira kaya ako na lang naiwan sa bahay ka naman kumuha na lang ako ng condo malapit sa trabaho ko.

Pagkadating ko sa condo ay dumiretso ako sa kwarto para magpalit at magtanggal ng make up sa mukha ko.

**ring**ring***

Agad kong iniabot ang cellphone ko sa table at sinagot ang tawag.

It was kuya adrian calling...

" Hello kuya..." Saad ko

" Hi sabrina..are you available on friday? " Tanong nito mula sa kabilang linya.

" Let me see po kuya... why is it?"

" Its my 25th birthday on friday...you can bring tristan with you." saad nito sa kabilang linya.

Model din pala si kuya adrian, kapatid ni Kian.

" I-im not sure ..."

" Don't worry sab..kian can't come.." Dagdag pa nito.

I just saw his articles online and he knows alot of celebrity and friends kaya pati si tristan ay kilala niya. Magkaibigan nga din yata sila but I'm not sure.

But how did he know about kian and I? Especially the break up thingy? Kahit sila Devi, Jodie, ricky, kaycee and camille ay hindi pa nalalaman ang tungkol sa hiwalayan namin ni kian dahil hindi pa kami nagkikita kita kaya paano niya nalaman ang tungkol doon?

" If you're thinking who told me then hindi ka nagkakamali...It's tristan." Dagdag pa nito mula sa kabilang linya ng hindi ako magsalita.

So close nga sila ni tristan? Chismoso talaga 'yong lalaking 'yon. Sigurado naman akong hindi iyon ipagkakalat ni kian at hindi naman sila close ng kuya niya para pagusapan ang tungkol sa amin.

Pagkababa ng tawag ay dumiretso na ako sa kitchen area to get some water. Aattend ba ako? Wala naman siya doon at kung andoon naman siya ay ano namang pakialam ko? Birthday party iyon ng kuya niya kaya hindi na dapat pa akong magulat kung andoon siya pero sinabi naman ni kuya adrian na hindi siya makakapunta kaya pupunta na lang ako. Isasama ko na lang si tristan para hindi ako ma out of place.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now