CHAPTER 12

259 34 5
                                    


Lumipas ang mga araw, buwan ay na busy na naman kami sa school at sa iba't iba naming club na sinalihan. bukod sa dance club ay kasali din ako sa music club kaya double ang ginagawa ko araw araw sa school. Habang si Kian ay nagttraining ngayon sa sports club ay ako naman ay busy sa music club.

" Sabrina tawag ka ni kade.. nasa labas" Saad ni Zei, member ng music club. Agad naman akong lumabas at sinalubong si Kian na mukhang pagod na pagod.

" Love!" Salubong na tawag ko dito. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

Palagi na lang itong nakayakap sa akin kapag nagkikita kami. Hindi naman halatang na miss niya ako kahit nasa baba lang naman namin ang gym.

" Hanggang 8pm daw ang practice namin love..." Nakasimangot na saad nito. Napakunot nman ang noo ko.

8pm??

" Bakit naman hanggang gabi love..sobra naman yata 'yan. " reklamo ko.

" Si coach na nagsabi love eh..magpasundo ka na lang kay kuya samuel..mauna ka ng umuwi."
Tumango na lang ako dahil wala naman kaming magagawa. Gusto ko mang hintayin siya ay hindi pwede dahil kailangan ko din ipractice ang sayaw na sinend sa gc ng dance club dahil bukas ay kailangang lahat kami memorize na 'yon.

Kinabukasan ay ganoon ulit ang nangyare. Excused ako sa buong subject dahil sa music club at dance club pero dahil namemorize ko naman ang sayaw kagabi ay nagpaalam akong uunahin ko muna ang music club. Sa morning presentation ang music club naka assigned habang ang dance club ay sa gabi pa naman kaya mas pinili kong unahin ang music club.

" Parang hindi ko kayo masyadong nakikitang magkasama ni kade ah." saad ni Cyrene, member ng music club. Siya lang ang madalas kong nakakausap dito kaya naman kapag may meeting o gagawin sa club ay siya ang parati kong kasama.

" Busy siya sa sports club at busy din ako dito...pati sa dance club.." mahinang sagot ko ito.
Halos dalawang linggo na kaming ganito. Hindi masyadong nakakausap at nagkikita pero naiintindihan namin iyon na dalawa.

" Buti hindi kayo nag-aaway knowing na pareho kayo walang time together.."

Natigilan ako..

Hindi pa nga talaga kami nag-aaway kahit ilang linggo na hindi kami madalas mag-usap o magkita pero alam kong alam niya naman na busy lang kami pareho para sa nalalapit na university week kaya wala kaming problema doon.

" Nagkikita naman kami every sunday. Kapag uwian o papasok dito sa school magkasama kami saka studies naman 'to kaya walang dapat pag-awayan." Paliwanag ko dito.

Kahit na ang totoo ay nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil sa tuwing ako ang busy ay hindi siya busy habang kapag siya naman ang may ginagawa ako naman ang walang ginagawa kaya ganoon parin. Hindi parin kami nagkakaoras sa isat isa na mahaba o sunod sunod hindi tulad ng dati. Noong hindi pa kami ay palagi kaming magkasama pero noon pa iyon. Mas marami nga talagang ginagawa kapag grade 12 kana.

" Swerte mo kay kade.." saad nito at natawa ng mahina. Nagtataka ko siyang tinitigan, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

" Gwapo siya...matalino...mukhang mayaman...mabait...matangkad...magaling magbasketball at madaming nagkakagusto sa kaniya pero ikaw pinili niya." Sunod sunod na wika nito pero tinanguan at nginitian ko nalang ito para hindi na humaba pa ang usapan.

" Pero maganda ka din naman Sab.. halos pareho nga lang kayong dalawa sa lahat eh. Sexy...
matalino..maganda..talented ka din.." Dagdag nito.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now