CHAPTER 24

241 35 10
                                    


Ilang araw na ang lumipas ng malaman naming buntis din si devi. Sa susunod na buwan ay ikakasal na ito kay vincent pero hindi ko lubos na isip na magpapabuntis agad ito. Halos lahat na ng mga kaibigan ko ay mayroon ng anak o asawa at kasintahan samantalang ako ay hindi parin nakakamove on sa taong nang-iwan sa akin. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Pati ba naman siya may anak na rin..

Agad agad kong inayos ang sarili ko at pumunta ng bathroom para maligo. May meeting ako ngayon sa star magic dahil katulad nga ng sinabi ko ay babalik na ako sa pag-aartista. May bagong project din na ibinigay sa akin pero hindi ko pa alam kung sino ang makakasama ko dito.

" I know you will gonna love this comeback project of yours sabrina." Nakangiting saad ni Direk kathy at ibinigay sa akin ang libro na hawak niya. Ngayon ay nasa loob na ako ng office para sa meeting pero ako lang at si direk kathy ang naririto.

" Since the beginning?" Takang saad ko ng mabasa ang nakasulat sa title ng libro.

" Yes. We will talk about that later but let's wait your partner for that project.." saad nito na mas lalong nagpakunot ng noo ko. I didn't expect na magkakaroon ulit ako ng panibagong partner for my comeback project. I hope he's professional like tristan.

" Do I know him direk? Or does he know me?" Tanong ko dito pero she just shook his head.

" He might know you but I don't think you know him since he's a new artist of our company." Saad nito na mas lalong nagpagulo ng isip ko.

If he's a new artist and I don't know him mas mahihirapan ako. I have a hard time dealing with new people and I don't wanna be link to him. Whoever he is, I just don't wanna be in a loveteam again. Just for this project I think male lead is not a problem right?

Bigla kaming natigilan ng biglang bumukas ang pinto ay may pumasok na matangkad na lalaki. Bigla akong hindi makagalaw sa kinauupuan ko ng makita kung sino ang pumasok dito.

" Ow he's here." Saad ni direk at tumayo ito para makipagshake hands sa kaniya.

"Sabrina meet your male lead on this project.." Saad ni direk at pinalapit pa ito sa katabi kong upuan.

" Kade Sebastian Lopez." He said and about to ask for shakehands pero hindi ko iyon inabot dahilan para alisin niya na lang ang kamay niya na nakataas. I saw him smirk.

" Sabrina Reyes... it's not nice meeting you.." sarkastiko kong saad dito pero tumawa lang ito ng pilit. Mabuti at hindi narinig ni direk ang huling sinabi ko.

" You can take your seat beside sabrina..kade." Saad ni direk. Agad kong hinila ng kaunti ang upuan ko para magkaroon ng space at para hindi kami masyadong magkadikit. Ramdam na ramdam ko na pinagpapawisan ako kaya agad kong kinuha ang bottled water sa table at uminom.

" You guys look good together." Saad ni direk dahilan para masamid ako. Dali dali naman akong binigyan ng dalawa ng tissue pero 'yong iniabot lang ni direk ang kinuha ko.

" Are you okay sabrina? " Concerned na tanong ni direk pero tinanguan ko na lang ito at nginitian.

" Anyway, Kade is a licensed engineer. He lived in paris for more than 5 years..aside from that, he do workshop while studying his course that's why kahit na he's still new to our industry.. kinuha namin siya because he already knows how to act." Mahabang saad ni direk. I didn't know na tinapos niya ang course na iyon pero mas lalong hindi ako makapaniwala na nagwworkshop siya for acting.

" I see.." maikling sagot ko dahil hinihintay ni direk kung anong sasabihin ko.

" And for you kade..sabrina is an actress since—" hindi na ni direk natapos ang sasabihin niya ng sumingit kaagad si kian.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now