CHAPTER 15

248 35 20
                                    



" Sorry na isha... promise hindi ko alam na may girlfriend na 'yon at siya ang boyfriend mo." Nakasimangot na saad ni Kaycee. Hindi pa rin ako makapaniwala na si kian nga talaga ang gusto niya pero naiintindihan ko naman iyon at ayos lang naman dahil sinabi niya na kakalimutan niya na daw ito.

" Magpapalit na lang ako ng crush..'yong isang guy na lang na palagi niyang kasama gwapo din 'yon." Dagdag pa nito dahilan para kumunot ang noo ko.

Lalaking palagi niyang kasama?
Sino?

" Sino?" Takang tanong ko. Kami lang ngayon ang magkasama sa room dahil excuse si Camille sa isang club na sinalihan niya.

" Yung blonde hair na kasing tangkad ng boyfriend mo." Dagdag nito ngunit agad akong napatawa ng malakas ng mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy nito.

" Si Ricky Jordan?" Natatawang tanong ko dito na agad niya namang tinanguan.

" Gwapo din 'yon at magaling magbasketball.."

" HAHHAAHHAHAHHAHAHAHAHHAHA"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa kakatawa pero agad rin akong natigilan ng maalalang may girlfriend nga pala si Ricky.

" Pinsan ko 'yon kaycee HAHAHAHA sayang may girlfriend na kaso.." saad ko na ikinagulat niya.

" AYOKO NA TALAGA LORD!" Malakas na saad nito. Mabuti na lang at kami na lang dalawa ang natira sa loob ng classroom.

****

" You know what sabrina.. upon checking your photos after the photoshoot I know you can do more... " Saad ni Miss Glenda ang may- ari ng G clothing line na isa ding brand ng mga damit na kilala na sa bansa.

Katulad ng sinabi ko ay gusto kong magkaroon ng part time job. Noong mga nakaraang araw ay naghanap ako ng mga pwedeng pasukan pero lahat ng iyon ay maapektuhan ang schedule ko sa school. Kahapon ay nakuha akong model para sa new collection ng G clothing line. Wala akong alam sa pagmomodel pero ng matapos ang buong araw na photoshoot ay hindi naman ako nahirapan.

" Ano pong ibig sabihin mo Ma'am? " Tanong ko dito. Kasalukuyan akong nasa office niya dahil pinatawag niya daw ako.

" You can be an actress too sabrina.. I have so much connection if you want I could give your contact information and resume sa mga kakilala ko... " Dagdag pa nito.

" Hala..No need na po ma'am. Ayoko pong mag-artista at nag-aaral pa po ako pero thank you po.." Wika ko.

" You told me that the reason why you do modeling is to have allowances since wala na parents mo. Modeling is okey but its not permanent and there is so much opportunities if you become an actress... come to think of it.."

" Pag-iisipan ko po..."

Habang pauwi ako ay iniisip ko parin ang sinabi ni Miss glenda sa akin kanina sa office niya. Napaisip ako. Tama nga siya. Hindi gaano kalaki ang kikitain sa modeling. Hindi din araw araw may photoshoot at may kukuha sa'yong brand kaya napapaisip ako sa sinabi ni miss glenda.

Sa mga sumunod na araw at linggo ay sunod sunod ang natanggap kong offer sa modeling. Ilang araw na rin na hindi kami ni kian nagkakasabay umuwi dahil pagkatapos ng klase ay dumidiretso na agad ako sa shoot. Hindi pa alam ni kian ang tungkol dito pero plano ko ring sabihin kapag may oras na kaming dalawa. Ilang araw na din niyang tinatanong kung anong ginagawa ko at palagi kong walang time sa kaniya pero sinabi ko na nagppart time na ako ngunit hindi ko pa kaniya sinasabi ang tungkol sa modeling.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now