CHAPTER 32

244 35 4
                                    


The following weeks had past simula ng malaman ni kian na buntis ako. Everything went well and we have already talked about it pero kami pa lang dalawa ang nakakaalam tungkol doon. Maraming nagtatanong at maging sa internet ay kumakalat na ang haka haka na buntis daw ako. Dahil sa sinabi ng doctor na maselan daw ang pagbubuntis ko ay pinagbawalan akong mapagod kaya naman hindi muna ako tumanggap ng mga projects at maging sa modeling ay kinancel ko muna ang mga offer at iba pang makakapag pagod sa akin.

Kasalukuyan akong nasa condo ni kian dahil simula noong nalaman niyang buntis ako ay mas lalo siyang naging protective sa akin. Mas lalo kong naramdaman na mahal na mahal niya ako simula ng nabuntis ako dahil hindi niya ako pinapabayaan o kung kailangan niya man na umalis ay pinapunta niya dito ang assistant niya para may kasama ako. Si mia ang parati kong kasama noong mga nakaraang araw dahil laging busy si kian sa trabaho. Hindi ko naman siya pinagbabawalan kahit gustong gusto kong parati siyang nasa tabi ko ay hindi naman iyon pwede.

Bukod sa showbiz ay may tinanggap si kian na house project kung saan isa siya sa engineer na gagawa ng bahay kaya naman madalas ay nasa construction site niya. Gusto ko ngang sumama pero ayaw niya naman kaya wala akong ibang magawa kung hindi ay nanood lang sa tv o kaya naman ay matulog.

Habang abala ako sa pagkain ng mangga ay biglang may nag doorbell sa labas ng unit ni kian. Tatayo na sana ako pero agad ng binuksan ni shy ang pinto.

" Couz!" Agad akong natigilan at napalingon ng marinig ang pangalan ni devi. Gulat ako ng patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

" D-devi.." Tanging nasabi ko pagkayakap nito sa akin.

" Ang blooming mo naman.." Saad nito pagkawala sa yakap.

" Paano mo nalaman na nandito ako?"

" Kanino pa ba?" Pabalik na tanong nito sa akin bago umupo sa harapan ko. " Edi sa boyfriend mo, Ay, wow! Mangga.." Dagdag pa nito pagkatapos ay agad na kumuha ng isang mangga.

" Nakabalik na pala kayong manila, kumusta kayo ni vincent? Anlaki na ng tiyan mo.." Saad ko dito bago ko ipagpatuloy ang pagkain ng mangga.

She's now almost 7 months pregnant at ilang buwan na lang ay manganganak na siya. Sobrang bilis ng panahon dahil 3 months pregnant na din ako.

" Ikaw ba sab, kumusta ang tiyan mo?" Binigyan ako nito ng makahulugang ngiti dahilan para matigilan ako.

Tama ba narinig ko?

Nang hindi ako magsalita ay nagsalita siya ulit. " Congrats pala sab..ikakasal ka—" bigla siyang natigilan at tila gulat din ito sa mga nasabi niya.

" Ikakasal?" Takang tanong ko sa kaniya.

"B-biro lang sis..sabi ko congrats at buntis ka na din—" napasapo siya sa ulo niya ng sambitin ito. Pero teka ano?!

" Patay.." rinig kong bulong nito.

" Ano iyon devi? " Kunot noong tanong ko dito kahit narinig ko naman na ang mga sinabi nito.

" Sorry, sab..huwag mo sabihin kay kian pero nasabi niya na sa amin na buntis ka daw kaya nga kami bumalik na ng pinas dahil ano..basta iyon sis..kaya congrats."

Bigla akong napahimas ng sentido ko ng marinig iyon sa kaniya.
Hindi ako makapaniwalang sinabi iyon ni kian sa kanila gayong napag-usapan namin na huwag muna sabihin ang tungkol sa pinagbubuntis ko sa mga kaibigan namin lalo na sa mga pinsan ko.


Pagkauwi ni kian ay agad ko itong kinausap tungkol sa sinabi ni devi. Mainit ang ulo ko dahil ilang beses na namin napag usapan ang tungkol doon at gusto ko din na ako mismo habang kasama siya ang magsasabi sa mga pinsan ko pero tila iba ang nangyari dahil inunahan niya pa ako.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now