CHAPTER 35 ( Kian's POV)

224 33 1
                                    


" L-love, umuulan na—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agad niya na itong pinutol.

" Ano ba kian!? Kung gusto mo umuwi.. umuwi kana..umalis kana..iwan mo na ako dito.. iiwan mo din naman ako... ganiyan naman kayo.. lahat na lang kayo iniiwan ako." Humahagulgol na saad nito kaya na agad ko siyang niyakap kahit na pareho na kaming basang basa ng ulan.

Simula ng mamatay si tita salve ay palagi na lang tulala si sab. Ilang beses niyang gustong mapag-isa na hinayaan ko pero hindi ko pa rin siya iniiwan. Kung saan siya ay sinasamahan ko siya kahit hindi kami mag-usap basta kasama ko siya ay kampante. Alam kong sobrang sakit nito para sa kaniya kaya nasasaktan din ako lalo na sa tuwing makikita siyang umiiyak pero wala akong ibang magawa kundi yakapin at patahanin siya.


" Love, ice cream oh." Nakangiting sabi niya bago ako bigyan ng ice cream.

Pinayagan ako nila papa at mama na sa kanila muna tumuloy ilang linggo pagkatapos ang libing ni tita salve dahil nag-aalala ako sa kalagayan ni sab at kuya samuel. Mas lalo akong humanga sa kaniya dahil sa dinarami na ng napagdaanan niya sa murang edad ay nagagawa niya pa rin na ngumiti. Makita siyang nakangiti ngayon ay mas lalong kumikirot ang dibdib ko sa sakit na dulot nito dahil alam kong hirap na hirap na siya sa mga nangyayari sa buhay niya.

" Magpapart time ako love." - sab

" Part time? Hindi mo kakayanin love...Huwag mo munang isipin 'yan." Sabi ko dito.

" Huwag isipin?" I let out a heavy sighed after she gave me a sarcastic laugh.

" Wala na kaming makain Kian...Wala ng bumubuhay sa amin...Kami na lang ni kuya nandito sa bahay at wala pang trabaho si kuya, kian... Kailangan kong maghanap ng pagkakakitaan dahil kung hindi ay mamamatay din kami sa gutom.  intindihin mo naman ako.."

"Naiintindihan kita love... sige gusto mo samahan kita sa trabaho? Samahan kita maghanap ng part time job.. apply tayo.." saad ko bago hawakan ang kamay niya.

Simula noong namatay si tita salve ay nabaon sila sa utang. Nagbibigay sila mama kahit papaano para makatulog ka sakanila pero hindi iyon sapat. Ilang beses na rin nanghiram sa akin si kuya samuel ng pera hindi pa nito naibabalik. Hindi ko na sinabi kay sab dahil alam kong mas lalo lang siyang mastressed lalo na madami din kaming ginagawa bilang 1st year engineering student.

Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagpapart-time lalo na at malapit na rin ang exam namin pero kung anong gustong gawin niya ay susuportahan ko siya at sasamahan. Kahit na busy ako sa sports club at sa mga subjects namin ay sinubukan ko pa rin maghanap ng part -time job para sa aming dalawa ni Sab. Naisip ko na kapag nakakuha kami ng part-time job ay makakapag-ipon na siya kahit papaano. Plano ko din na ibigay sa kaniya ang sasahurin ko kung sakali pero hindi na iyon na tuloy ng may trabaho na pala siyang nakuha.



"Noong mga nakaraang linggo hindi totoong naghahanap pa lang ako ng part time nun..." panimula nito. Pero hindi ako nagsalita at hinintay lang ang sasabihin niya.

" Ang totoo ay nakuha na akong model para sa new collection ng G clothing...malaki ang offer at alam mong kailangan ko ng pera kaya kinuha ko agad siya...pero wala naman akong balak na i-continue 'yon dahil mas importante sa akin ang course na kinuha ko..love alam mo 'yon...pero nagsunod sunod eh at hirap niyang tanggihan lalo na't makakatulong iyon hindi lang sa'kin pati kay kuya samuel.." Sunod sunod na paliwanag niya habang seryoso parin akong nakatingin sa kaniya.

" Modeling lang ba talaga pinasok mo? Try mo din kaya mag-artista? Bagay din sa'yo...magaling ka na magsinungaling." Sarkastikong kong saad dito dahilan para matigilan siya.

" Mag-aartista din ako...tinanggap ko ang offer ng star magic love..." Dagdag pa nito dahilan para mas lalo kong higpitan ang hawak ko sa wheel ng sasakyan. Hindi na ako nagsalita at pinaandar na iyon ng mabilis.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now