CHAPTER 7

288 36 15
                                    



" Happy birthday to you... happy birthday too you... happy birthday, happy birthday happy birthday devi.." Pagkanta namin habang hawak hawak ni Devi ang maliit na cake niya. Kasalukuyan kaming nasa pangatlong palapag ng bahay nila Devi to celebrate her 17th birthday.

Ayaw niya ng engradeng handaan at nakapagcelebrate na din siya kahapon kasama ang pamilya niya kaya ngayon ay kami naman ang kasama niyang magcelebrate. Pinili naming dito nalang sa third floor ng bahay nila dahil wala namang nandito at para nadin hindi mabulabog mga tao sa baba.

" Make a wish! " masayang sambit ko habang sinisindihan ang kandila. Kinuha naman ni jodie ang lighter sa kamay ko pagkatapos ko sindihan ang kandila.

" Huwag mo sasabihin sa utak lang" paalala ni jodie.

" Yey!" sambit namin pagkatapos niyang hipan ang kandila.

" Happy birthday ulit Devi...It's just a simple yet a meaningful one hope you'll like it." Saad ni ate jodie pagkabigay ng regalo kay Devi.

" Thank you couz! "

" Happy birthday Insan. Isang taon nalang pwede kanang magpainom" Saad naman ni ricky at bigyan din ng regalo si Devi.

" Yey thank youu"

" Happiest birthday sa'yo Devi here... mamaya mo na buksan." Pagbati naman ni Kian sakaniya at binigay ang regalo ako na ang susunod.

" Thank you kian. Oo na ante mamaya ko bubuksan " - devi

"Happy birthday Devi! iyong regalo ko ihahabol ko nalang hehe hindi pa dumadating eh" napakamot pa ako ng ulo dahil sa sinabi ko pero totoo naman eh. Hindi pa dumadating

" Hulaan ko Shopee iyan no?" Saad ni Devi na agad ko namang tinanguan

" Kaya pala matagal kasi sa orange app ka umorder insan HAHAHHA" natatawa namang saad ni ricky.

"dapat sa Lazada ka nalang umorder sab." Sabi naman ni jodie.

" Eh hindi ko naman alam na from china pa pala iyon.." Reklamo ko.

" Ayus lang kahit hindi na iyan dumating na order mo basta sa'tin ang west philippine sea." Wika ni Kian dahilan para kumunot ang noo ko

Paano napasok ang west philippine sea sa usapan

" Aware na aware sa nangyayare sa bansa Kian ha" natatawang saad ni ricky.

" Naman" proud na sambit ni kian bago kumuha ng plato sa table.

***

" Kuya pwede pa ba nating magamit iyong mga christmas decoration na ginamit din natin noong umuwi si mama ng pinas?" Tanong ko kay kuya samuel na kasalukuyang nanonood ng movie dito sa sala. Ilang linggo nalang ay pasko na kaya nagiisip na rin ako kung anong gagamitin naming pangdecorate sa bahay. Uuwi din kasi si mama kaya naman mas lalo akong na eexcite. Every christmas lang pinapayagan si mama na magleave sa trabaho niya dahil kapag ganitong christmas ay umaalis ng ibang bansa ang mga amo niya.

"2 years ago na iyon sab kaya hindi ko sigurado.. pero tingnan ko mamaya kung pwede pa iyon" - sagot nito habang ang tingin ay nasa screen parin ng tv

" Sige kuya.. pero sabihan mo agad ako para kapag hindi na masabihan ko din agad si mama..."

Ngayong araw na uuwi si mama galing dubai kaya naman maaga kaming gumising ng kuya ko para maglinis ng buong bahay. Pagkatapos kong maglinis ay tapos na rin si kuya magluto ng paboritong adobo at kare kare ni mama.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now