CHAPTER 14

256 34 9
                                    


" Sabrina Reyes.." tawag sa akin ng professor namin na kakapasok pa lang ng room.

" Yes sir?" Akmang tatayo na ako ng magsalita ulit ito

" Bring your things, you're excuse." Dagdag pa nito dahilan para mapakunot ang noo ko pero hindi na lang ako nagsalita at lumabas dala dala ang bag ko.

Si kuya samuel ito.

" Sab," Bahid ang lungkot sa boses ni kuya ng tawagin niya ang pangalan ko. Namumugto din ang mata nito ng lapitan ko.

" K-kuya, bakit?" Kinakabahang tanong ko dito.

" Mamaya ko na sasabihin, tara." Saad nito iniiwasan akong tingnan. Sumunod na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay agad na pinaandar ni kuya ang makina at umalis. Sinabihan ko pa siyang huwag masyadong bilisan dahil masyadong mabilis ang pagpapatakbo nito.

" Kuya sabihin mo nga ano ba talagang nangyayare?" Habang palapit ng palapit sa pupuntahan namin ay pabilis din ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi din ako nakapagpaalam kay kian sa sobrang bilis ng mga pangyayare.

Tumigil kami sa bahay nila tita gemma na kapatid ng mama ko. Umiiyak ako nitong nilapitan ay niyakap dahilan para mas lalo akong maguluhan.

Ano ba talagang nangyayare?

" I-im so sorry sab.." Humihikbing saad nito pagkaalis sa yakap.

" T-tita anong pong n-nangyayare? At.. at bakit ka po nags-sorry?" Naguguluhang tanong ko dito.

" W-wala na si Salve, patay na ang mama mo.." halos hindi niya masabi ang mga ito dahil sa kakahikbi.

" A-ano b-bang sinasabi mo tita.. kausap ko lang sa call kahapon si mama.. h-hindi..hindi 'yan totoo.. " Pagpupumilit ko habang sunod sunod na tumutulo ang luha ko pero hindi ko iyon pinansin at nilapitan si kuya na nakatakip ang mukhang umiiyak sa gilid.

" K-kuya diba? K-kausap lang natin si mama...S-sabihin mong h-hindi totoo 'yon. Buhay si mama...buhay siya please sabihin niyo sa aking nagsisinungaling lang kayo.." Halos magwala na ako sa bahay ni tita gemma ngunit ng mapagtantong patay na nga mama ay nanghihina akong napaupo sa sahig.

"Love uulan na... tara na.." Mahinang wika ni kian at hinawakan ang kamay ko para ayain akong tumayo pero kinuha ko ito pabalik. Kakatapos lang ilibing si mama kaninang umaga at halos limang oras na ako ditong naka upo at umiiyak sa puntod ni mama. Pinili naming ilibing ito sa tabi ng puntod ni papa.

Drowning ang cause of death ni mama. Walang nakapansin sa kaniyang nalulunod na pala ito sa pool ng bahay ng amo niya dahil wala doon ang amo niya noong araw. Pinacheck namin sa cctv ng bahay kung totoong nagsasabi sila ng totoo at tama nga sila. Kita sa cctv foutage na may inaabot si mama sa pool ngunit ng hindi niya ito maabot ay nahulog siya.
Sobrang sakit panoorin ang foutage kung saan nalulunod si mama habang wala siyang mapaghingian ng tulong.

Sobrang daming pumapasok sa utak ko. Kung sana ay hindi na lang siya umalis at nagibang bansa ay sana nandito pa siya. Kung sana hindi na lang si papa namatay ay hindi sila aalis ng Pinas. Na kung sana kinuha niya na lang ang offer sa kaniya na magtrabaho sa Pampanga ay sana hanggang ngayon ay kasama parin namin siya.

" Mas marami pa ang taon na nakasama mo ang alaga mo sa dubai kesa sa sarili mong anak ma. " Umiiyak kong saad habang nakatingin sa lapida ng puntod ni mama.

" Ang daya daya mo sabi mo hindi mo gagayahin si papa pero ngayon bat magkatabi na kayo dito ha!" Malakas na hagulgol ko habang yakap yakap ang malaking picture frame na may mukha mama na dala dala ko pa sa paglibing kanina.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now