CHAPTER 21

253 35 2
                                    


" Gusto kong makipagbalikan sa kaniya tristan.." Seryoso kong saad kay tristan. Kakatapos lang ng shoot namin ngayon araw at kasalukuyan akong nasa sasakyan ni tristan dahil sinabi kong kailangan ko siyang makausap.

"If that's what you wanted then go, why are you even telling me that..." Natatawang sagot nito sa akin dahilan para samaan ko ito ng tingin.

"Nakakalimutan mo yatang isa ka sa dahilan kung bakit kami naghiwalay." Sarkastiko kong sabi sa kaniya.

Totoo naman. Alam kong nagseselos si kian sa loveteam namin kahit noon pa man pero hindi niya iyon sinasabi sa akin. Kung hindi nagkaroon ng loveteam ay hindi na sana hahantong sa ganoon.

" Then, what do you want me to do?" Takang tanong nito.

" Samahan mo ako, puntahan natin siya."

Buo na ang loob ko na makipagbalikan sa kaniya. Noong gabing iyon ay napagtanto kong hindi ko pala talaga kayang mawala siya at mas lalo na ang makita siyang may kasamang iba.
Hindi naging maayos ang paghihiwalay namin at alam kong pareho naming hindi ginusto iyon pero pareho kaming nasasaktan at pagod na pagod nun kaya ngayon ay handa na akong harapin siya at makausap ng harapan. Noong gabing may nangyari sa amin ay napagtanto kong mahal niya pa rin ako.

" Sure kailan ba? Not tomorrow ah, may shoot tayo." Sagot nito.

" Ngayon na."

Kasalukuyan na kaming nasa labas ng bahay nila tita kyla. Pumunta kami sa condo niya ngunit mukhang walang tao doon kaya kahit medyo malayo ay pinilit kong pumunta sa bahay nila tita kyla umaasang naririto siya.

" Why are you here?" Bungad na tanong ni tita kyla ng pagbuksan kami nito ng gate.

" H-hi po tita—"  Agad na pinutol ni tita kyla ang sasabihin ko dahilan para matigilan ako.

" You know what sabrina, you are not welcome here anymore.." Ramdam ko ang galit sa boses nito.

" I-i'm sorry p-po tita.." Nauutal kong saad dahil hindi ko inaasahan ang ganoong pagtrabaho nito sa akin.

" Sorry to interrupt but we are only looking for your son..ma'am.." Singit ni tristan.

" He's not here. He's in Paris. He will stay there for good so please...just please sab.. leave him alone. "

' He's in paris. He will stay there for good...leave him alone'

' He's in paris. He will stay there for good...leave him alone'

' He's in paris. He will stay there for good...leave him alone'

" Tumigil kana sa kakaiyak o isusumbong na kita sa manager mo." Saad ni tristan pagkatapos ako bigyan ng tissue. Kasalukuyan na akong nasa condo niya at hindi matigil kakaiyak dahil sa nalaman ko kanina.

' He's in paris. He will stay there for good...leave him alone'

Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni tita kyla kanina na umalis na daw ng bansa si kian at maninirahan sa Paris.

" Bakit ganoon tristan..bakit niya ako iniwan.." Humihikbing saad ko.

" Malay ko sain'yo...ayaw mo naman magkwento." Sagot nito dahilan para samaan ko ito ng tingin.

" Bakit kung kailan na buo na ang loob ko...why...why did he left me.."

" Bakit kung kailan may nangyare na sa amin saka siya umalis..ansakit sakit..." sunod sunod na saad ko habang hindi matigil sa pagiyak.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now