CHAPTER 11

260 33 12
                                    



" Kami na." Sabay naming wika ni kian dahilan para lahat sila mabulunan. Kasakuluyan kaming nasa isang fastfood chain para kumain.

Sila na lang ang hindi pa nakakaalam dahil nauna nang malaman nila tita kyla at nila mama ang tungkol sa amin. Wala namang hindi sumang-ayon bukod kay kuya samuel dahil akala nga daw nila ay matagal nang kami.

" GAGO?" Malakas na saad ni ricky. Kitang kita sa mga mata nito ang gulat.

"Seryoso ba iyan? Baka nagjojoke lang kayo" paniniguro naman ni ate jodie pero mas lalo pang nanlaki ang mata nila ng kunin ni kian ang kamay ko at iintertwined sa kamay niya.

" Yup. Kami na.." Pag cconfirm pa ni kian at ngumiti saakin.

" Sabi na eh. Ganiyang posisyon ko din kayo inabutan noong nakaraan..kaya pala ahh congrats magiging Reyes kana din Kian " Mahabang saad ni Devi pagkatapos ay tumawa.

" Si sab ang magiging Lopez hindi si Kian tanga." Saad ni Ricky dahilan para lahat kami matawa

" Congrats Couz...kian huwag mo 'yang  sasaktan si Sabrina ha malilintikan ka sa'min." - ani jodie

" I won't. Baka ako pa saktan nito." Saad ni kian dahilan para taasan ko ito ng kilay.

" Thank you jodie" -saad ko.

" Huwag na huwag mo iyang papaiyakin pre, first boyfriend ka pa naman niyan" Pagpapa-alala naman ni ricky.

" First girlfriend ko din siya pre." Natatawang saad ni kian na ikinatawa namin.

Oo nga 'no. First namin ang isa't isa.

" Basta ako matagal ko ng alam na kayo magkakatuluyan...paano nga pala naging kayo?"- devi

Chismosa talaga

Sumunod ang mga araw hanggang matapos na ang finals. Bakasyon na naman at kasalukuyan akong nasa bahay nila Kian. Umalis si kuya at pumunta sa bahay nila ate belle kaya dito muna ako kila Kian hanggang sa sunduin ako ni kuya mamaya.

" Love!" Tawag nito sa akin galing sa taas. Nasa sala ako ng bahay nila ngayon nanonood ng balita tungkol sa west philippine sea.Ilang buwan na hindi parin natatapos ang hidwaan ng china at bansa natin.

" Po!" Sagot ko pabalik.

" Punta ka dito dali.." Sigaw muli nito kaya agad naman akong napilitan umakyat ng hagdan.

" Bakit ba?" Inis na sabi ko dito pagkadating sa second floor

" Galit ka?"

" Nanonood ako eh " reklamo ko dito na agad niya namang ikinasimangot.

" Sige..baba ka na lang." Saad nito at akmang papasok na sa loob ng kwarto niya ng bigla kong hawakan ang braso nito.

" O-oy joke lang love..."

Pagkapasok ng kwarto niya ay pinakita niya sa akin ang piano malapit sa study table niya.

"Wow.. Kailan pa 'to love? " gulat na tanong ko dito at lumapit dito.

" Kahapon lang... regalo ni tito william" saad nito ay umupo sa stool ng piano. Si tito william ay Sikat na artista noon na ngayon ay isang business man pero nakatira sila sa US at bihira lang umuwi ng Pinas.

" Upo ka dito love...turuan kita .." Dagdag pa nito at pinaupo ako sa tabi niya. Mahaba naman ang stool ng piano niya kaya nagkasya kami dito. Tinuruan niya ako noon kung papaano magpiano dahil meron din silang piano sa baba pero hindi ko na matandaan ang iba doon.

Natapos ang bakasyon na walang ibang nangyare bukod sa palagi kaming magkasama ni kian o kaya naman ay ang mga pinsan ko ang kasama ko. Bukas ay pasukan na namin ngayong grade 12.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now