CHAPTER 19

258 35 8
                                    


" Are you really fine with it sab? " concerned na tanong sa akin ni tristan.

" Oo naman tristan. Wala naman ng masasaktan off-cam kapag in-announced 'yan sa public at isa pa lahat naman yata sila alam na tayo na. " sagot ko dito.

Kakatapos lang ng meeting namin kasama ang mga boss ng management at sinabi niyang kailangan daw naming magpanggap na kami na kahit off cam. Para na naman 'yon sa panibago naming movie ni tristan. Madami din kasing fans ang nagrereklamo online na aminin na daw namin ang totoong namamagitan sa amin ni tristan dahil maging sila ay nagdududa na kung kami ba talaga o hindi. Hindi naman namin pwedeng sabihin na hindi naman talaga kami off cam kaya kailangan ng gumawa ng paraan ang management.

"I hope wala nga...anyway, see you tomorrow sab..take care bye." -Tristan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa 7am ang call time namin sa set kung saan namin gagawin ni tristan ang pagpapanggap. Kunwaring magddate kami off cam habang may mga naka assign na staff na siyang kukuha ng mga candid photos namin para i post online. Pagkatapos nito ay tiyak na magttrending at pag-uusapan na naman kami ni tristan.

" Hindi ko kaya tristan..." bulong ko ng akmang hahalikan ako nito sa labi pero agad akong umiwas at isiniksik na lang ang ulo ko sa dibdib niya.

" Let's do a fake kiss then.." He replied assuring me that it's fine.

Lahat ng kissing scene namin sa past movies namin together ay hindi totoo dahil hindi ko talaga kayang humalik ng iba bukod kay kian.

Pagkatapos nga ng araw na iyon ay usap usapan kami sa lahat ng social media dahilan para mas lalo kaming makilala. Ngayong araw naman ay may interview kami kung saan na namin aaminin na kami na ni tristan kahit hindi naman talaga totoo.

Interviewer: Everybody in the internet are getting wild and loud when that stolen pictures got posted in the internet..now everyone's question..what's your status now?

Tristan: Well, since from the beginning...we hide nothing from our fans. I guess they just got confused because we both don't confirmed it but now i would proudly say that this girl beside me is my partner not just on-cam but also outside those cameras.

Interviewer: Wow we are surprise to heard that and thank you for finally confirming tristan...how about you Sabrina? What's your insight about this?

Sabrina(me): Like what I always say..we shouldn't just trust everything we saw on the internet..just like the rumors about us na we are not really together daw and that we are just doing this for work but...it is really not like that.

Tristan: Yes..what people does not know is that we are deeply inlove with each other more than on-cam.

Pagkatapos ng interview ay sunod sunod ang notification ko galing sa private account ko na mga kaibigan ko lang ang nakaka-alam. Pagod ako buong araw kaya pinatay ko na lang ang phone ko at natulog.

Kinabukasan ay late na ako nagising dahil wala naman akong schedule ngayon. Naisipan kong maglinis nang makita ang mga kalat sa living room ng condo ko. Pagkatapos maglinis ay akmang papasok na ako ng kwarto para maligo ng biglang may narinig akong nag doorbell sa labas ng unit ko. Agad ko itong tiningnan sa screen ng cctv ko at laking gulat ng makitang si divine iyon kaya dali dali ko agad siyang pinagbuksan ng pinto.

" Devi!!" Masayang saad ko pagkabukas ng pinto at niyakap siya. Kahit hindi kami nagkikita ay nakakausap ko naman sila paminsan minsan sa chat kaya pati ang condo ko ay alam niya.

" I missed you couz!!" Wika nito pagkaalis sa yakap ko. Pumasok na kami sa loob dahil baka may makakita pa sa kaniya.

" Gague ang ganda pala dito.." Manghang saad nito pagkapasok sa loob.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now