CHAPTER 34 ( Kian's POV)

219 32 1
                                    


" Sab!!" Tawag ko sa pangalan niya habang papalabas ako ng elevator. 18th birthday ngayon ni ate lian, kapatid ko. Kanina pa nagsimula ang event pero kadadating pa lang ni sab dahil may practice pa sila for dance club.

" Sorry huhu traffic... " bungad na sabi nito. I smiled out of a sudden ng makita ang suot nito.

" Ayus lang... ginamit mo pala iyan dress na galing kay mama.." Nakangiting sambit ko dito.

" Maganda ba? Hindi ko pa pala 'to nagagamit kaya eto nalang sinuot ko. "

" Maganda...bagay sayo..."  pero mas bagay tayo...

" Ma!" Tawag ko kay mama. Kakagaling ko lang ng restroom.

" Oh.. andito na si Kian. Kian take care of Sab. Huwag mong iiwan mag-isa.." - sabi nito sa akin bago umalis ng table namin.

" I will...always ma.." Habol na sagot ko kay mama.

Kahit walang magsabi sa akin ay iyon ang gagawin ko. Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko pababayaan si sab. Na hindi ako tutulad sa mga taong nang-iwan sa kaniya. I will always choose to stay by her side, that's an oath ma.

" Anong kaganapan dito... kaninong flowers iyan tol? " bungad na tanong ni ricky. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko ng makitang may hila hila si sab na lalaki palabas ng classroom.

" ah this, this is for sabrina, sab." Akmang ibibigay na ng lalaki kay sab ang flower bouquet na hawak niya pero hindi ito tinanggap ni sab.

" B-bakit mo ako binibigyan ng flowers kirk? " tanong ni sab sa lalaking nasa harapan niya. Agad akong lumapit sa likod ni sab habang kunot noong nakatingin sa lalaking nasa harapan namin.

" uh, this is an offer to let me court you..." sabi ng lalaki dahilan para mas lalo ko itong samaan ng tingin.

Court? As in ligaw? Lakas ng loob mo pre ah! Ako ngang simula bata ay kasama ko na iyan, hindi ko pa rin magawang umamin tapos ikaw na ngayong taon mo lang nakilala si sab, ligaw agad?

" K-kirk..." sabi ni sabi,  " A-ano bata pa tayo..." Dagdag pa nito.

Tama! Bata pa tayo sab. Kaya huwag ka munang tumanggap ng ligaw—lalo na kapag hindi naman ako ang nanligaw.

" Hindi kita minamadali sab... but atleast give me a chance—" akmang hahawakan nito ang kamay ni sab ng agad agad ko itong hinarangan.

" Ayaw niya nga pre. Saka hindi pa siya handang tumanggap ng ligaw intindihin mo nalang." Singit na sabi ko sa lalaki habang hawak hawak parin ang braso ni Sab.

Simula ng malaman kong marami ng nagkakagusto kay Sab sa school ay mas lalo akong nakakaramdam ng selos na matagal ko na palang naramdaman pero ngayon ko lang napagtanto ng malamang may nararamdaman na ako sa kaniya. Akala ko noon ay normal lang magselos dahil magkaibigan naman kami pero ang hindi ko alam ay hindi pala iyon lahat normal. Hindi pala normal na palagi kaming magkasama sinusubukan kong iwasan na ang mga iyon ngayon. Magising sa pagpunta sa bahay nila at pagtulog kasama siya na noon ay normal na normal lang sa amin pero ngayon ay hindi na ako comfortable sa mga ganoon.

" Sa Tuesday tutal wala namang pasok...Karaoke tayo sa bahay nila jodie" saad ni divine na kasalukuyang kinakain ang baon niyang sandwich.

" Hindi ako sasama.." Mahinang sambit ko. Ramdam kong nakatingin si sab ngayon sa akin.

" bakit hindi? Wala naman tayong practice sa basketball ah" - ricky

"May pupuntahan ako..." Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay wala naman talaga akong pupuntahan.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now