CHAPTER 20

296 34 13
                                    


R-18 ( read at your own rick)

Boyfriend ko?

"A-ako ba kinakausap mo?" Takang tanong ko dito dahilan para matawa siya.

Alam kong ako ang kinakausap niya dahil kami lang namang dalawa ang nasa table na ito pero gusto ko lang makasigurado.

" Kaya ka ba pumayag na makipaghiwalay sa akin dahil may namamagitan na sa inyong dalawa?"  Sambit nito pero mas lalong lumakas ang soundspeaker sa loob kaya hindi ko siya nasagot.

" A-aalis na ako." Mikling saad ko at akmang aalis na ng bigla nitong hilain ang bewang ko dahilan para mapaupo ako sa hita niya.

" Bakit ayaw mo akong kausapin.." bulong nito sa tenga ko dahilan para makiliti ako.

" Madaming tao dito kian.." Mahinang bulong ko dito dahil pinagtitinginan na kami ng ibang bisita. Mabuti at medyo madilim sa pwesto namin at mukhang lasing na rin ang halos karamihan sa bisita ni Ricky.

Agad nito akong pinakawalan kaya dali dali akong naglakad paalis ng venue pero sinundan ako nito.

" Let's talk." Malamig ngunit seryosong sabi nito bago ako hilain papuntang parking lot ngunit pareho kaming natigilan ng may makitang mga tao sa parking lot.

Agad niyang hinubad ang leather jacket na suot niya at inilagay sa ulo ko bago ako hilain papasok ng kotse niya mabuti at hindi ko nasabihin ang driver ko na sunduin ako. Pagkapasok ng sasakyan niya ay agad nitong pinaandar ang sasakyan.

" Saan mo ba ako dadalhin kian. Stop the car!" Malakas na sabi ko dito pero hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lang ang pagddrive.

" Kidnapping 'tong ginagawa mo ano ba!" Galit na saad ko na dito. Lumingon siya sa akin ng mabilis lang bago bumalik ang tingin nito sa daan.

" Kidnapping? Really? " sarkastikong tanong nito.

Agad kong kinuha sa mini shoulder bag ko ang cellphone ko at naghanap ng contacts. Papasundo ako sa driver ko kung saan niya man ako dadalhin.

" Sino tatawagan mo? Boyfriend mo?" Galit na saad nito pero hindi ako nagsalita at ibinalik na lang sa loob ng bag ang cellphone ko dahilan para mas lalo niyang pabilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Wala pala akong load.

Tumigil kami sa isang condominuim. Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger's seat ngunit hindi ako bumaba.

" Iuwi mo na ako.."Mahina ngunit seryoso kong sabi sa kaniya pero hindi ako nito pinakinggan.

" Baba." Saad nito na sinunod ko na lang dahil alam kong hindi din naman ako nito papauwiin. Agad nitong tinakpan ang mukha ko ng jacket niya habang papasok ng condo.

Pagkadating namin sa loob ay agad niyang nilock ang pinto at hinila ako papasok sa loob ng kwarto niya. Pagkapasok ay agad niya akong hinalikan ng marahan dahilan para maitulak ko siya.

" K-kian.." Nanginginig at habol ang hininga kong sambit sa kaniya hindi makapaniwala sa nagawa niya.

" Sab bakit? Bakit hindi na lang ulit ako? Bakit hindi mo man lang ako pinigilan noong makikipaghiwalay ako sayo? Bakit naghanap ka agad ng iba.." His voice broke while stating those words.

" K-kian.." tanging nasambit ko ng lumuhod ito sa harapan ko... Nanghihina na ako at pareho na kaming umiiyak ngayon.

" Bakit mas pinili mo ang career na 'yon..at hindi ang pangarap na sabay nating plinano? Tangina sab. Nag-engineer lang ako dahil sa'yo pero ngayon napipilitan na lang akong tapusin ang putanginang course na iyan..." Humihikbing saad nito. Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin pero hindi ko magawa nanghihina na rin ako sa kakahikbi.

Since the Beginning (COMPLETED)Where stories live. Discover now